Mga Pinoy, pinaalalahanan sa panganib na maaring maidulot ng ilang Tiktok videos

Mga Pinoy, pinaalalahanan sa panganib na maaring maidulot ng ilang Tiktok videos

- Sa kabila ng kasikatang tinatamo ng mobile app na Tiktok, may babala ang ilang eksperto laban sa labis na paggamit nito

- Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng popularidad ng nasabing mobile app sa gitna ng malawakang community quarantine

- Dahil na rin sa walang magawa ang mga tao sa kanilang tahanan, marami ang nahilig at sumubok na ring gumawa ng mga tiktok videos

- Gayunpaman, maari umano itong gamitin ng mga mapansamantalang mga tao lalo na upang mapagsamantalahan ang mga kabataan na madaling mapaniwala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaalalahanan ng Cyber Security Philippines ang publiko tungkol sa nauusong Tiktok challenge na invisibile challenge.

Sa gitna ng malawakang community quarantine ay naging libangan ng karamihan ang social media at mga mobile apps. Isa na nga sa usong-uso ngayon ay ang Tiktok kung saan pati ang mga artista at iba't-ibang personalidad ay nakisali na rin.

Gayunpaman, may panganib na maidudulot ang app na ito lalo kung magamit sa pananamantala ng ilang mga tao. Kamakailan ay nauso ang invisible challenge kung saan ilan sa mga netizens ay nahimok na gumaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May mga kababaihang naghuhubad at ibinabahagi ito sa social media dahil hindi naman nakikita ang kanilang katawan dahil nagiging malabo ito attila anino na lamang ang naaaninag.

Gayunpaman, babala ng mga eksperto, maari itong gamitin ng mga ibang tao. Maaring maging biktima ang mga kabataan na madaling mapaniwala at malinlang.

Ang Tiktok ay isang App na usong-uso sa kasalukuyan. Ito ay isang Chinese video-sharing social networking service na pagmamay-ari ng kumpanyang ByteDance, isang kumpanya sa Beijing-na itinayo noong 2012.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel