Isa pang video ng umano'y kahina-hinalang modus sa baranggay, usap-usapan sa social media

Isa pang video ng umano'y kahina-hinalang modus sa baranggay, usap-usapan sa social media

- Isang video ng umano'y kahina-hinalang modus ng mga tagaabot ng tulong ang ngayon ay usap-usapan sa social media

- Matatandaang mata[pos ihayag ng pangulo ang tungkol sa cash assistance na matatanggap ng mga tao, marami ang nabuhayan ng loob

- Nilinaw din ni Senator Allan Peter Cayetano ang sistema ng pagbibigay ng form na kailangan sulatan upang maipahatid ang tulong pinansiyal

- Ilang vidoe na ang naibahagi sa social media kung saan taliwas sa nauna nang naianunsiyo ang sinasabi ng ilang opisyal ng barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Panibagong video na naman ang kumakalat sa Facebook kung saan isang opisyal ng baranggay ang nakuhanang nagpapaliwanag tungkol sa cash assistance na matatanggap ng bawat household.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na News Trend, makikitang nagtatanong ang mga residente tungkol sa sistema ng cash assistance na ito o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong Laban sa COVID-19.

Paliwanag ng babaeng nakuhang nagpapaliwanag, kahit pa ilang pamilya ang nakatira sa isang bahay, isa lang ang bilang sa kanila dahil by household umano ang bilang.

Inalmahan naman ito ng mga netizens dahil taliwas sa naunang nasabi na bawat pamilya ay makaktanggap ng cash assistance, ipinipilit ng babae sa video na isa lang ang bilang sa mga ito.

Matatandaang inanunsiyo ng pangulo ang tungkol sa cash assistance matapos maaprubahan ang emergency power na kung saan mahigit 200 Billion ang pondong maaring gamitin upang matulungan ang mga mamamayan habang sumasailalim sa community quarantine upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel