Misis, pinarinig sa asawa ang kanilang wedding song bago ito bawian ng buhay

Misis, pinarinig sa asawa ang kanilang wedding song bago ito bawian ng buhay

- Emosyonal na ibinahagi ng isang misis sa New York ang huling sandali ng kanyang asawa

- Dahil bawal siyang pumunta sa ospital, araw-araw silang magkausap sa Facetime

- Nakiusap pa ito sa asawa na huwag silang iwan ng kanyang mga anak

- Gayunpaman, bumigay ito at humina ang pulso kaya wala siyang nagawa kundi patugtugin ang kanilang wedding song habang nasa bingit na ng kamatayan ang kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal ang isang misis sa New York habang ibinahagi niya ang mga huling sandali ng kanyang asawa. Ang kanyang mister na 42 taong gulang ay pumanaw dahil sa COVID-19. Isang assistant principal at coach ng basketball team ang kanyang asawa sa isang High School sa Long Island, New York.

Sa isang panayam ng CNN, ibinahagi ni Maura Lewinger ang pagiging mabuting asawa ng kanyang mister. Mahilig umano itong magsulat ng mga liham para sa kanya at iniiwan sa kanyang lunchbox.

Kaya naman naging emosyonal siya nang sabihin ng mga doktor sa pamamagitan ng Facetime na ginagawa nila ang lahat para sa kanyang asawa pero nahirapan na itong huminga. "I saw him and I begged him not to leave us and told him we all need him," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, nang sinabi ng mga doktor na wala na itong pulso, pinatugtog niya sa pamamagitan ng messaging app ang kanilang wedding song.

"I played our wedding song for him. And then that was it," aniya.

Marami ang naging emosyonal sa pagsasalaysay ng naulilang misis. Kahit ang news anchor ay hindi din napigilang maiyak dahil sa nakakalungkot na kwentong ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel