Video ng babaeng Chinese na "in love" at ayaw iwan ang isang taong grasa, viral

Video ng babaeng Chinese na "in love" at ayaw iwan ang isang taong grasa, viral

- Agaw eksena sa social media ang isang video ng babaeng Chinese national na sumama sa isang taong grasa

- Makikita sa video na kinukumbinsi na ang babaeng umalis ngunit matindi ang pag-iling nito

- Ilang tao na kabilang ang ilang mga taga-barangay ang pilit na inaalis ang babae sa tabi ng taong grasa ngunit mas lalo pa itong kumapit dito

- Nakumbinsi lamang ang Chinese nang ang lalaking taong grasa ang unang sumakay sa sasakyan ng barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral online ang isang eksena kung saan ang isang babaeng Chinese ay ayaw umalis sa tabi ng taong grasa.

Binahagi ito ng Kabiyak at may caption ang video na "Chinese national na in love sa taong grasa"

Kahit anong kumbinsi kasi sa babae, matindi ang pag-iling nito at ayaw iwan ang taong grasa na tila may sakit sa pag-iisip.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nang halos pilitin na siya ng kapwa niya Chinese na kumakausap sa kanya, kumapit pa ito sa lalaking taong grasa at mas lalong sumiksik sa tabi nito.

Nakumbinsi lamang ito nang unang pinasakay ang taong grasa sa patrol car ng lungsod ng Parañaque.

Maririnig ang kantsawan ng mga nanonood sa eksenang tila mula sa isang pelikula.

Maririnig na nagbiruan pa ang ilang kumukuha ng video na tila dinaig pa sila ng taong grasa at nakahanap ito ng "magmamahal" sa kanya at ibang nasyunalidad pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Maging ang ilang netizens ay nagulat sa eksena sa video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yan ang tunay na pagibig kaya hayaan niyo na. Pinapaalis niyo kasi di niyo matanggap na ganyan pinili ng kalahi nila"
"Mukhang wala rin sa sarili itong Chinese kaya rin nila pilit na nire-rescue"
"Totoo ba ito? Nakakaloka buti pa yung taong grase may love life, ako waley!"
"Hala, in love nga ata si ate, kapit na kapit sa lalaki pero ang tanong, nasa tamang pag-iisip ba sila pareho?"
"Tama lang na i-rescue, parang pareho di silang may tama sa utak, delikado yan"

Kasalukuyang may 4.1 million views na ang video na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel