Matandang nais lumuwas sa kapatid upang may makain, 2 araw na naglakad

Matandang nais lumuwas sa kapatid upang may makain, 2 araw na naglakad

- Umani ng simpatya mula sa mga netizens ang post tungkol sa isang matandang lalaki

- Ayon sa isang Twitter user na nagbahagi ng video ng matanda, dalawang araw na umano itong naglalakad

- Nais niyang makarating sa kanyang kapatid sa Maynila upang matulungan siya dahil wala siyang makain

- Sa kanyang paglalakad, namimitas na lamang siya ng mangga na naging pagkain niya sa loob ng dalawang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nahabag sa kalagayan ng isang matandang lalaki na naglakad umano ng dalawang araw upang marating ang kanyang kapatid na nasa Maynila dahil na rin sa kakulangan sa pagkain.

Ayon sa Twitter user na may handle na @Winforthewins, nadaanan niya ang matanda na naglalakad sa NLEX.

Nagsimula daw siyang maglakad mula Pampanga at papuntang Maynila. Ang tanging naging pagkain niya habang naglalakad ay ang mangga na napipitas niya sa daanan.

On my way to Mnl and saw tatay walking along NLEX. Told me 2nd day na daw niya naglalakad. He started in Pampanga daw and headed to Mnl to ask help from his brother because he’s got nothing to eat. Nakaraos daw siya sa mga mangga na napipitas habang naglalakad.

Mabuti na lamang at natulungan ang matanda. Ibinahagi ng Twitter user na nakatulog pa ang matanda hindi paman tumatagal mula nang makasakay ito sa sasakyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Decided to give him a ride and five minutes later he was already sleeping. Sige lang, ‘tay! Kuha ka muna ng konting lakas, medyo mahaba pa ung laban ntin!

Matapos niyang bigyan ng pagkain at kaunting halaga ang matanda, inilapit niya ito sa Bocaue toll gate office upang mabigyan ng tulong.

"Gave him biscuits and a few bucks then dropped him at Bocaue toll gate office (thank you sir Jay Cadiz) to be given proper attention. Ingat ka, tatay! Sana po ay makuha niyo ang tulong na kailangan niyo! Praying for you po!"

Narito naman ang ilang reaksiyon ng mga netizens:

Sir I am very thankful na masilayan tong post mo. I salute you for your hardwork and compassion. Padayon po tayo
Mabuhay ka . Sana marami pang katulad mo. san kaya si tatay para maabutan ng tulong
Maraming salamat sa tulong mo kay Tatay. Our Lord will bless you a hundredfold. Prayers din kay Tatay at sa mga tulad nya na araw araw gumagawa ng paraan para iraos ang pamilya. Bless, guide and protect them Lord!

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown.

Matapos ang halos dalawang buwan, unti-unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on the Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel