Mayor Isko at mga opisyales ng Maynila, ibibigay ang isang buwang sahod sa PGH

Mayor Isko at mga opisyales ng Maynila, ibibigay ang isang buwang sahod sa PGH

- Sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno ng Maynila, ibibigay niya at ng mga opisyal ng lungsod ang isang buwang sahod nila sa Philippine General Hospital

- Gagawin nila ito upang palakasin ang kakayanan ng mga health workers ng naturang ospital laban sa COVID-19

- Sinang-ayunan siya ng kanyang bise alkalde at maging ng lahat ng konsehal ng bayan

- Nakalikom sila ng 4.5 million pesos bilang donasyon sa naturang ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Abril 4 ng gabi nang i-anunsyo ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang napagkasunduan ng mga opisyales ng lungsod ng Maynila bilang tulong nila sa Philippine General Hospital.

Sa kanyang Facebook post, buong puso niyang sinabi na ang buong sahod nila para sa buwan ng Abril ay gagawing donasyon para sa mga frontliners ng nasabing ospital.

Mula sa kanyang Bise Alkalde na si Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at maging ang lahat ng city councilors ay sumang-ayon sa adhikain na ito ng alkalde.

Gagawin nila ito upang makatulong silang palakasin ang kakayanan ng mga nagsasakripisyong mga health workers lalo na sa naturang ospital kung saan karamihan ng mga COVID-19 patients sa lungsod ay dinadala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, aabot sa ₱4. 7 million ang inaasahang perang malilikom nila para maging donasyon.

Bukod sa donasyon, nagtatag din ng bagong ordinansa ang lungsod kung saan ipinagbabawal ang pamamahiya sa mga frontliners, lalo na sa mga health workers, patient under investigation at person under monitoring.

Ang sino mang lalabag dito ay magbabayad ng ₱5,000 o maari pang makulong ng hanggang anim na buwan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa kabila ng kanilang hirap at sakripisyo sa labang ito kontra COVID-19, sila pa ang nakararanas ng diskriminasyon at pangungutya.

OFW Nurses Share Their Experience Fighting Covid-19 | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel