JK Labajo, suko na sa pagtutunton sa kanyang ama matapos siyang i-block nito

JK Labajo, suko na sa pagtutunton sa kanyang ama matapos siyang i-block nito

- Hindi napigilang ilabas ng mang-aawit na si Juan Karlos “JK” Labajo ang kanyang saloobin sa kanyang ama

- Napagpasyahan niyang itigil na ang paghahanap sa ama matapos siyang i-block nito sa isang messaging app

- Ayon sa singer, hindi naman siya nasaktan o nalungkot dahil wala ito habang siya ay lumalaki dahil minahal siya ng kanyang lola, tito at ng kanyang ina

- Nasaktan umano siya dahil kahit sa huling hininga ng kanyang ina ay hindi man lamang nagpakita ang kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagpasyahan ng mang-aawit na si Juan Karlos “JK” Labajo na itigil na ang paghahanap sa kanyang biological father na hindi pa niya nakikita ng personal.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ng mang-aawit ang litrato ng isang lalaking nagngangalang Oliver Stolz. Kalakip nito ang mga salitang, “missing person. please e-mail me if found.”

Gayunpaman, burado na ito sa kasalukuyan at tanging litrato niya kasama ang kanyang yumaong ina at isang childhood picture ang makikita sa kanyang Instagram account.

Kasunod nito ay inilabas ng binata ang kanyang saloobin sa ama sa pamamagitan ng Instagram Stories.

“Wag mong takasan ang iyong responsibilidad,” aniya sa isang entry.

Kasunod nito ibinahagi niyang walang social media account ang kanyang ama pero isang kaibigan niya ang nakakitang mayroon itong account sa isang messaging app simula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sinubukan niyang makipag-ugnayan sa ama ngunit napag-alaman niyang na block siya sa number nito.

Ani JK, mukhang ayaw ng kanyang ama na magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa kanya kaya nagpasya syang itigil na lamang ang aghahanap.

“His bio says ‘life is beautiful,."

“I guess he has a family now and he definitely doesn’t want me to be a part of it,” dagdag pa ni JK.

Sa panibagong Instagram story nitong Biyernes, ibinahagi niya kung bakit siya nasaktan sa ginawa ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Hindi naman ako nasasaktan o nalulungkot na di ko nakasama ang tatay ko sa paglaki kasi mas higit pa ang pagmamahal na ibinigay sa akin ng lola, tita, at ang aking ermats."

“Ang pinakamasakit lang para sa akin ay yung wala siya sa mga panahong sobrang kinailangan siya ng nanay ko. Hanggang sa huli niyang hingalo, hindi man lang siya nagpakita," dagdag pa niya.

Hindi naman nakaligtaang magpasalamat ng singer sa lahat ng tumulong sa kanya sa paghahanap sa kanyang ama.

Si Juan Karlos "JK" Labajo ay unang sumikat nang sumali sa The Voice Kids. Isa sa pinasikat niyang awitin ay ang "Buwan."

Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lola at tiyuhin sa Cebu. Maaga namang nawala ang kanyang ina dahil sa sakit na cancer.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on the Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel