Willie Revillame, binulgar ang nakakalulang halaga ng donasyon niya noon sa Yolanda victims

Willie Revillame, binulgar ang nakakalulang halaga ng donasyon niya noon sa Yolanda victims

- Bagama’t hindi niya isinapubliko noon, inilantad ni Willie Revillame ang halaga ng kanyang naging donasyon para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda

- Ayon sa Wowowin host, handa siyang gumastos muli ng malaking halaga upang makatulong ngayong may COVID-19 crisis

- Naiisip niya ring ibenta ang ilan sa kanyang mga ari-arian upang maging mas malaki ang halaga ng kanyang maitutulong

- Ibinulgar naman ni Kuya Wil nag-donate umano siya noon ng ₱10 milyon para sa mga Yolanda victims

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inilantad ng Kapuso TV host na si Willie Revillame kung magkano ang naging halaga ng kanyang donasyon noon sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon din kay Kuya Wil, handa siyang gumastos muli ng malaking halaga at ibenta ang ilan sa kanyang mga ari-arian upang makatulong ngayong may COVID-19 crisis.

Sa Tutok To Win, nakapanayam ni Kuya Wil si Senator Manny Pacquiao at nakipag-ugnayan siya kung paano sila magtutulungan upang malutas ang kasalukuyang krisis sa bansa.

“Ano ba ng dapat nating gawin kung tayong dalawa ang magtutulungan? Kasi gusto kong umuwi, humihingi ako ng permiso. Nandito kasi ako sa Puerto Gallera. Nandito naman ‘yung chopper, pwede naman ako umuwi ‘pag pinayagan lang ako ng CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) at ng DILG (Department of the Interior and Local Government).”

Ayon kay Kuya Wil, gusto na niyang makauwi sa Metro Manila upang makatulong sa mga nangangailangan ngayong may enhanced community quarantine sa lugar. Naka-order na raw siya ng bigas sa halagang ₱1 million, at sasamahan niya ito ng noodles at sardinas.

Balak din daw niyang magpagawa ng Personal Protective Equipment (PPE) na dadalhin mismo ng kanyang team sa mga nangangailangan.

"So hindi ito pampagaling, hindi ito pasikatan. Kailangan natin itong gawin kasi marami na talaga tayong kababayang naghihirap at nagugugtom. Ayoko namang i-asa lahat sa gobyerno dahil siyempre 'yung gobyerno nag-iingat din sa buhay nila," pahayag ni Kuya Will.

“Talaga ako, desidido ako,” aniya. “Hindi ako nangde-dare. Hindi ako nangcha-challenge.”

“Ang gusto ko ‘ho humingi ng tulong sa iyo,” sabi ni Kuya Wil kay Senator Manny. “Itodo na natin ‘to!”

Saad din ng Wowowin host, halagang ₱10 milyon ang naging donasyon niya noon para sa biktima ng bagyong Yolanda.

“Noong nagkaroon ng Yolanda, hindi ko naman pinagyabang. Para lang malaman nila, nagbigay ako ng 10 million sa DSWD. Hindi ko no’n kinuwento during that time. Kaya ko lang sinasabi ‘to ngayon, parang gusto ko ‘tong gawin (ngayong may COVID-19 crisis).”

Handa rin siyang ibenta ang ilan sa kanyang mga ari-arian upang makatulong naman ngayon sa paglutas ng COVID-19 crisis.

"Sa totoo nga 'yung ibang property ko, gusto kong ibenta. Gusto ko talagang, kahit kalahati na ang mabenta, ibigay na. Dahil kawawa ang ating mga kababayan, sobra, nakikita sa hirap."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, nangako si Kuya Wil na tutulong siya sa mga nangangailangan ngayong may krisis sa bansa.

Si Willie Revillame ay isang TV host, singer, actor, comedian, at businessman. Pagmamay-ari niya at ng kanyang business partner na si Manny Villar ang Wil Tower Mall sa Quezon City.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kapuso star Kris Bernal participated in the new episode of our Tricky Questions feature! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel