Kaso ng COVID-19 sa Mainland China, muling tumataas

Kaso ng COVID-19 sa Mainland China, muling tumataas

- Muling naitala ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Mainland China

- Nitong Sabado lamang ay panibagong 30 kaso ang naiulat mula sa 19 na kaso noong Biyernes

- Karamihan sa mga bagong kaso ay mula sa mga imported cases at asymptomatic patients

- Marami sa mga bagong kaso ay mga Chinese nationals na umuwi lamang mula sa kanilang byahe sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pagbaba ng kaso, hindi pa rin tuluyang natatapos ang outbreak ng COVID-19 sa China. Nitong Sabado ay nakapagtala ng 30 bagong kaso habang 19 ang naitala noong Biyernes.

Ayon sa ulat ng GMA News, 25 mula sa 30 kasong ito ay mula sa mga taong galing sa ibang bansa. 5 rito ay local transmissions.

Sa kabuuan, umabot na sa 81,669 ang naitala at 3,329 ang nasawi sa nasabing bansa.

Ayon pa sa ulat, ang mga imported cases at asymptomatic patients ang karamihan sa nakahawa dahil walang makitang simtomas sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Karamihan sa mga bagong kaso ay mga Chinese nationals na nagsipag-uwian mula sa pagbyahe sa ibang bansa.

Dahil sa pangambang muling tumaas ng husto ang kaso, inatas ng pamahalaan sa local authorities na alamin at isailalim sa isolation ang mga asymptomatic patients.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti-unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on the Tricky Questions challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel