Sen. Manny Pacquiao, pinatikim ng bagoong ang kanyang mga anak

Sen. Manny Pacquiao, pinatikim ng bagoong ang kanyang mga anak

- Ibinahagi ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang ilan sa kanilang nakalakhang pagkain sa kanilang mga anak

- Hindi lingid sa karamihan na nagmula sa mahirap na buhay ang mag-asawa bago pa man nakamtan ang kanilang magandang buhay

- Sa kabila ng yaman at tagumpay na nakamit, tila hindi pa rin tuluyang kinalimutan ng mag-asawa ang kanilang kinagisnan

- Kaya naman, ipinatikim nila sa kanilang anak ang saging at bagoong na ilan lamang sa mga pagkaing pumawi sa kanilang gutom noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Manny Pacquiao sa mga anak nila ng kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao ang nakagisnan niyang pagkain.

Sa isang YouTube vlog, ibinahagi ni Jinkee ang video kung saan makikitang kumakain si Senator Manny ng saging na sinasawsaw niya sa bagoong isda.

Ayon sa senador, sampung taon na halos saging ang kanilang kinakain. Aniya, sanay siya sa ganoong pagkain, kahit walang bigas.

Tila napaisip pa ang pambansang kamao nang sinabi ni Jinkee na subukan nilang ipatikim sa kanilang mga anak ang bagoong at saging.

Unang sumubok ang kanilang anak na si Princess. Dahil hindi sanay sa ganoong pagkain, nakiusap si Jinkee sa asawa na sarsa lang ng bagoong ang ipatikim.

Gayunpaman, nais ni Manny na masanay sila sa kahit anong pagkain kaya nilagyan niya pa rin ng isda. Tila hindi masyadong nagustuhan iyon ni Princess dahil nga unang beses pa lang niya itong natikman.

Sumunod na pinasubok ay ang anak nilang si Jimuel. Kagaya ni Princess, pinagbigyan din niya ang kanyang mga magulang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Queenie na bawal kumain ng manok at hipon ay tumikim ng bagoong pati rin si Michael.

Panoorin ang nakakaaliw na video ng Pamilyang Pacquiao dito:

Marami ang lalong humanga sa mag-asawa matapos mapanood ang nasabing video:

These parents are so sweet to their children... and i love see them together in one room teaching them how to eat simple food-thats life... the children behaved well. wow so impressed. i think they are the model family
"Paano kung walang-wala. Pag wala ng kanin, wala ng bigas." - Manny Pacquiao
Grabe, coming from a billionaire. Salute!

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa buong mundo. Ikinasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Samantala, nauna nang inanunsiyo ni Senator Manny na siya ay sumailalim na sa COVID-19 test at negatibo ang naging resulta.

POPULAR: Read more about Manny Pacquiao here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on the Tricky Question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel