Sen. Bong Revilla, naglabas ng sama ng loob sa naging pahayag ni Yorme Isko Moreno

Sen. Bong Revilla, naglabas ng sama ng loob sa naging pahayag ni Yorme Isko Moreno

- Umalma si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno

- Ito ay matapos sabihin ng alkalde na namumulitika at tila walang ginagawa ang mga senador sa gitna ng suliranin kaugnay ng COVID-19

- Ayon kay Senator Bong, masakit para sa kanya ang sinabi ni Mayor Isko lalo at parang kapatid na ang turing niya umano dito

- Ipinaliwanang niya rin ang mga ginagawa nila bilang mga senador na iba din sa ginagawa ng lokal na pamahalaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ni Senator Ramong "Bong" Revilla Jr. ang naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso laban sa mga taong nasa pwesto na namumulitika lamang at walang ginagawa sa gitna ng krisis ng pagsugpo sa paglaganap ng COVID-19.

Ani Sen. Bong, masakit para sa kanya ang pang-uupak na ginawa ni Mayor Isko lalo at tinuring niya itong kapatid dahil parehas silang malapit sa yumaong si German Moreno o si Kuya Germs.

Aniya, limitado din ang kanyang kakayahan sa pagtulong dahil sa lawak ng kanilang nasasakupan sa Cavite. Dagdag pa rito ay ang dalawang beses niyang pagkaka-quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Huwag naman, huwag ganun. Tulungan tayo. Hindi ito ang panahon ng pagbatikos," ani Revilla kay Yorme.

Dagdag pa ng senador, kailangan tugunan sa ngayon ang gutom ng mga tao at hindi dapat magsiraan.

Sa tingin niya kulang pa rin ang tulong na naipapaabot sa taongbayan dahil hindi umano sapat ang pondo ng bayan.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 3,018 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at 136 na ang nasawi habang 52 naman ang naka-recover ayon sa Department of Health.

POPULAR: Read more about Bong Revilla here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel