Nurse na pauwi mula ospital, nagawa pang tumulong sa mga taong lansangan

Nurse na pauwi mula ospital, nagawa pang tumulong sa mga taong lansangan

- Nakakabilib ang nurse na ito na nagagawa pa ring magmalasakit sa mga tao sa lansangan matapos na mag-aruga ng mga pasyente sa ospital

- Maging ang kasamahan niyang nurse ay humanga rin sa gawain niyang ito

- Pangatlong beses na raw ng nurse na gawin ito nang panahong nakasabay niya ang katrabaho

- Umani ng papuri ang nurse na may napakabuting puso at walang ibang hangad kundi ang manatili itong malusog at huwag mahawa sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakamamanghang post tungkol sa isang nurse na matapos ang kanyang shift sa ospital ay nagagawa pang tumulong sa mga walang tirahan na kanyang nadaraanan.

Binahagi ito ng nagpakilalang kasama niya sa trabaho na si Hafiz Marohombsar.

Nalaman ng KAMI na naiwan ang dalawa ng kanilang service kaya naman napilitan silang maglakad pauwi.

Naisipan daw ng nurse na dumaan ng 711 upang bumili ng pagkain at inumin para sa mga taong lansangan na madaraanan nila pauwi.

Nagplano pa raw ito na kapag kinulang, may isa pang 711 silang madaraanan upang makabili muli.

Tulog man o gising, binigyan o iniiwanan ng pagkain at tubig ng nurse ang mga palaboy na kanyang nadaraanan.

At nang maubusan nga sila ng ipamimigay pang mga pagkain, bumili pa muli sila upang mabigyan pa ang iba.

Nag-aabot si Hafiz ng pang-ambag ngunit tinanggihan daw ito ng nurse at sinabing okay na raw na may kasama siyang mamigay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis kasi siyang nag-aalala lalo na sa mga matatandang walang masisilungan lalo na at naka-enhanced community quarantine pa rin ang Luzon.

Sadyang busilak ang kalooban ng nurse na bukod sa pag-aaruga sa mga taong may sakit sa ospital, nagagawa pa niyang tumulong sa mga taong nangangailangan sa lansangan.

Dahil dito, umani ng papuri ang nurse mula sa netizens at hangad nila na pagpalain pa ito dahil sa kabutihang kanyang ginagawa.

Dasal din nilang huwag mahawa ang nurse sa mga pasyenteng may COVID-19.

Tunay na matatawag na bayani ang mga frontliners na tulad ng nurse na ito. Nararapat lamang na sila ay bigyan ng pagkilala at pagpupugay sa hindi makasariling ginagawa nila para sa ikakabuti ng kanilang kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About COVID-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel