Lolo na matiyagang nagbabahay-bahay para mamigay ng biskwit, hinangaan ng marami

Lolo na matiyagang nagbabahay-bahay para mamigay ng biskwit, hinangaan ng marami

- Hinangaan ng maraming netizens ang isang lolo na nagawa pang magbahay-bahay upang mamigay ng biskwit

- Tanging surgical mask lamang ang suot na proteksyon, buong tapang na nagbibigay sa kada bahay ng biskwit ang mtanda

- Naantig ang puso ng mga netizens dahil kung sino pa raw ang kinukulang, ito pa ang marunong magbahagi

- Umani ng papuri mula sa mga netizens ang matanda at sana'y pamarisan pa raw ito ng marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakaka-inspire ang ginawa ng isang lolo kung saan buong tapang siyang nagbabahay-bahay upang magbigay ng tig-dalawang biskwit kada bahay.

Binahagi ng netizen na si Ter Dee ang larawan ng kahanga-hangang lolo na ito.

Dala ang kanyang maliit na sisidlan at suot ang surgical mask na proteksyon sa COVID-19, nag-aabot siya ng mga biskwit kahit pa mukhang hirap din sa buhay ang lolo.

Masasabing lubhang mapanganib ito parasa matanda na pinaniniwalaang mabilis na kapitan ng virus. Ngunit di ito alintana ng lolo at ang nais lamang niya ay ang makatulong.

"It’s true what they say... the poor people are often the most generous. Lahat magulo... si Tatang relax lng sa pamimigay ng Hansel. #SpreadLoveNotHate," ang caption ng naturang post.

Naantig ang puso ng netizens sapagkat sa panahon ng krisis, simbolo ng pagmamalasakit at pagmamahal ang lolo.

Sana raw ay pamarisan ang matanda at tularan ng marami. Wala sa estado ng buhay ang pagtulong, ito ay nagmumula sa kabutihang loob ng isang tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"God bless your heart po tatay."
"God bless you, Tatang! sana tularan ka pa ng marami"
"Sana dumami pa ang tulad ni tatay, maraming salamat po at ingat po kayo"
"Mag-ingat po kayo tay, delikado rin po sa inyo ang makihalubilo sa mga tao... God bless you po"
"Napakabuti po ng inyong puso tatay... pagpalain po kayo ng Diyos ng maayos na kalusugan"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About COVID-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel