74 lang ang nadagdag! Kaso ng COVID-19 sa bansa, 3,094 na

74 lang ang nadagdag! Kaso ng COVID-19 sa bansa, 3,094 na

- Umabot na sa 3,094 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Sa huling naitala ng Department of Health, 74 na mga nagpositibo sa naturang virus ang nadagdag ngayong araw

- Kumpara sa mga nagdaang araw na di bumaba sa 300 ang mga nadadagdag, tila nagpapakita ito ng magandang senyales

- Lima naman ang kumpirmadong naka-recover ngayong araw, Abril 4

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

3,094 na ang kasalukuyang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Ayon sa huling ulat ng Department of Health, 74 lamang ang nadagdag sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Abril 4.

Tila magandang senyales ito na bumaba ang bilang ng nadagdag sa mga pasyenteng may COVID-19.

Nitong mga nagdaang araw, matatandaang hindi halos bumaba sa 300 ang mga nadadagdag na kaso na labis na ikinabahala ng publiko.

Walo ang naitalang pumanaw na bumuo sa bilang na 144. Lima naman ang naka-recover kasama na ang isang taong gulang na sanggol na pinakabatang tinamaan ng COVID-19 mula sa Oriental Mindoro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukas, Abril 5 inaasahang darating ang mga Chinese medical experts upang tumulong sa Pilipinas laban sa COVID-19.

Ayon sa ABS-CBN news, sila ang mga doktor na tumulong din sa Wuhan na unti-unti nang bumabangon mula sa krisis na dulot ng COVID-19.

Kasalukuyan pa ring naka-enhanced community quarantine ang Luzon habang ang ilang mga lugar na may tumataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay nagdeklara na rin ng ng lockdown.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About COVID-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel