Babaeng nagpa-pafill-out ng Social Amelioration Card Form, viral sa social media

Babaeng nagpa-pafill-out ng Social Amelioration Card Form, viral sa social media

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang video na kumakalat ngayon sa social media

- Nakuhanan ng video ang isang babae na nagpapaliwanag tungkol sa Social Amelioration Card Form

- Aniya, tatlong tao o grupo ang magfi-fill-out sa isang form upang mabigyan lahat ng taong kanyang kausap sa isang pagtitipon

- Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Pangulong Duterte na ang bawat pamilya ay magfi-fill-out ng form

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang video ng isang babaeng nagpapaliwanag tungkol sa Social Amelioration Card Form na nauna nang nabanggit ng pangulo upang magbigay ayuda sa bawat mamayang apektado ng community quarantine na ipinapatupad upang maiwasan ang paglaganap lalo ng COVID-19.

Makikita sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na cut#share ang isang babaeng nakatakip ang mukha dahil nakasuot ito ng facemask. Gayunpaman, base sa pag-uusap nila at ng mga taong naghihintay ng tulong, isa siya sa namimigay ng form.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanya, tatlong tao ang magkakasama upang maghahati sa ipagkakaloob na cash assistance. Ang bawat tao na iyon ay representative ng bawat pamilya na nangangahulugang tatlong household ang maghahati sa 1000 worth ng relief goods at 4,000 na cash.

Tila hindi makapalag ang ilang residente nang sabihin nitong "Gusto niyo po meron o wala?" Taliwas ito sa nanunang pahayag ng Pangulong Duterte na bawat pamilya ay pagkakalooban ng tulong at bawat pamilya ay magfi-fill-out ng form.

Hindi malinaw kung saang lugar nakunan ang nasabing video ngunit marami ang umalma sa mga naging pahayag ng babae.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on the Tricky Questions Challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel