PUM, naghihinagpis dahil hindi naihatid sa huling hantungan ang ina

PUM, naghihinagpis dahil hindi naihatid sa huling hantungan ang ina

-Kasabay ng takot para sa sarili, naghihinagpis naman ang isang lalaking PUM o Person Under Monitoring

-Ito ay dahil sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina dahil sa sakit na pneumonia na hindi man lamang nito naihatid sa huling hantungan

-Kinailangan kasi nitong i-isolate ang sarili dahil dito

-Nakakadurog naman ng puso ang isa sa pinakahuling mensahe ng nasawing ginang para sa minamahal na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Naghihinagpis man dahil sa pagpanaw ng ina, walang magawa ang lalaking si JP kung hindi ang magluksa nang mag-isa.

Isa kasi siya sa mga itinuturing na PUM o Person Under Monitoring dahil sa pandemic na coronavirus disease.

Kinailangan niyang i-isolate matapos ma-diagnose ang ina ng sakit na pneumonia na ikinasawi nito noong Marso 28, ayon sa ulat ng GMA News (Reporter, Rida Reyes).

Hindi na rin daw na-test ang ginang para sa coronavirus dahil nagkaubusan na ng test kits para rito.

"Gustuhin ko man hindi ako makalabas ng bahay nung day na nawala siya, krinemate siya. Hindi talaga ako nakapunta dahil hindi puwede kahit gustuhin ko," ani JP sa pamamagitan ng isang online interview.

Sa video na ibinahagi nito, makikita ang isang babae na kaibigan nito na nag-iwan ng pagkain para kay JP habang umiiyak naman itong nagpasalamat.

Pero ang mas nakakadurog ng puso ay ang isa sa pinakahuling mensahe ng ina nito sa pamamagitan ng isang video.

"Anak, pinagpe-pray kita lagi para wag ka magkasakit. God bless. Bye bye, love you 'nak," sabi pa ng ginang.

"Ngayon since wala na siya hindi ko na alam kung paano magpapatuloy. Kasi siya talaga 'yung strength ko," malungkot na pahayag ni JP.

Nakikiramay ang buong KAMI sa pamilya ni JP sa pagpanaw ng kanyang ina.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 3,018 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at 136 na ang nasawi habang 52 naman ang naka-recover ayon sa Department of Health.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel