Magsasakang nag-amok matapos masita, patay nang mabaril ng pulis

Magsasakang nag-amok matapos masita, patay nang mabaril ng pulis

- Patay ang 63-anyos na magsasaka sa Nasipit, Agusan del Norte matapos itong mabaril ng isang pulis

- Ayon sa ulat, wala umanong suot na face mask ang magsasaka kaya ito sinita ng isang health worker

- Ngunit nagalit umano ito at agad na nag-amok at sinugod ang isang tanod gamit ang isang itak na dala nito

- Nang dumating ang pulis ay ito naman umano ang sinugod ng magsasaka bago ito nabaril

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasawi ang isang magsasaka sa Nasipit, Agusan del Norte matapos itong mabaril ng isang pulis noong Huwebes ng gabi.

Nakilala itong si Junie Piñar, 63-anyos.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News (Author, Charmane Awitan), dumating si Piñar sa isang barangay control checkpoint at lasing diumano ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Napansin naman daw ng isang health worker na wala itong suot na face mask kaya naman sinabihan itong magsuot ng isa alinsunod sa ipinatupad na executive order dahil sa nakamamatay na sakit na coronavirus.

Ngunit sa halip na sumunod ay nagalit pa umano ang magsasaka at sinugod ang isang barangay tanod gamit ang itak na dala nito.

Agad namang tumawag ng pulis ang tanod at nang dumating na sa lugar si Police Staff Sgt. Rolly Llones ay ito naman umano ang inatake ng magsasaka.

Dalawang beses umano nitong tinangkang tagain si Llones na naging dahilan para mabaril siya nito.

Sabi sa ulat, nasa kustodiya na ng Nasipit Police si Llones at dinisarmahan na rin habang iniimbestigahan ang insidente.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa kanyang SONA na dapat depensahan ng mga pulis o sundalo ang kanilang sarili laban sa mga magtatangka sa kanilang buhay sa oras ng kanilang pagtupad sa tungkulin.

"Pag lumaban ka, 'pag inilagay mo sa delikado ang buhay ng pulis, barilin mo, patayin mo. 'Yan ang batas," anito.

Itinanggi rin ng pangulo na nais niya mamatay ang mga mamamayan ng Pilipinas sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.

"I never said in public 'shoot-to-kill.' Period," sabi ng pangulo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang driver ng ambulansiya ang binaril matapos paghinalaang naghahatid ng mga pasyenteng may COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel