Opisyal na nais paimbestigahan si VP Robredo, sinibak ni Pres. Duterte

Opisyal na nais paimbestigahan si VP Robredo, sinibak ni Pres. Duterte

-Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si PACC Commissioner Manuelito Luna

-Ito ay dahil sa panawagan nito na imbestigahan ng NBI si Vice Pres. Leni Robredo dahil sa diumano'y pakikipagkumpetensiya nito sa gobyerno

-Nauna nang nilinaw ni PACC Commissioner Grex Belgica na ito ay sariling opinyon lamang ni Luna at hindi iimbestigahan ang bise presidente dahil dito

-Sa SONA ng pangulo noong April 3, ipinagtanggol nito si Vice President Robredo at pinuri ang ginagawang pagtulong sa taong-bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 3, sinabi nitong agad daw nitong sinibak si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna.

Ito ay dahil sa panawagan nito sa imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Leni Robredo dahil sa diumano'y pakikipagkumpetensiya nito sa gobyerno sa gitna ng public health emergency o national calamity.

"The National Bureau of Investigation should investigate Vice-President Leni Robredo for illegal solicitations, actions that compete with, or calculated to undermine, national government efforts in this time of public health emergency or national calamities, such as OVP’s free shuttle service and dormitories for health workers, and PPEs for health workers," ayon kay Luna.

"Being a part of the national government, Robredo is barred from competing with the DOH (Department of Health), DSWD (Department of Social Welfare and Development) and OCD/NDRRMC (Office of Civil Defense), or undermining their efforts, and from soliciting donations, in cash or in kind, from the taxpaying public, especially since funds have already been appropriated or set aside for relief assistance, disaster mitigation, rehabilitation, etc.," dagdag pa nito.

Pero nauna nang nilinaw ni PACC Commissioner Grex Belgica na ito ay sariling opinyon lamang ni Luna at hindi iimbestigahan ang bise presidente dahil dito.

"(The) PACC is not asking anyone to investigate VP Leni Robredo," sabi nito.

Ipinagtanggol naman ni Pangulong Duterte si Vice President Robredo at pinuri ang ginagawa nitong pagtulong para sa taong-bayan.

"Si Leni was calling on the private sector…maghingi siya ng tulong. Tama 'yan. Maghingi ka ng tulong sa kapwa tao." anito.

"Ngayon may tao na abogado sa PACC commissioner, Manuelito Luna. Gusto niya paimbestiga si Leni kung bakit siya nag-solicit. Anak ka ng– Kaya nung narinig ko, sabi ko, 'Fire him'. As of this moment he’s no longer connected with government," dagdag pa ng pangulo.

Agad naman sinagot ni Robredo ang panawagan ni Luna sa pamamagitan ng isang tweet, na una nang naiulat ng KAMI.

Si Leni Robredo ang Vice President ng Pilipinas.

Pumanaw ang kaniyang asawa na si Jesse Robredo sa plane crash noong 2012. Mayroon silang tatlong anak: Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.

Naging Vice President si Leni noong 2016 pero sinasabi ni Bongbong Marcos na nandaya raw siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel