Nurse na frontliner, namigay pa ng pagkain sa street dwellers after ng kanyang shift

Nurse na frontliner, namigay pa ng pagkain sa street dwellers after ng kanyang shift

- Isang Pinay nurse ang hinangaan ng marami dahil sa kabutihan ng kanyang puso

- Matapos ang kanyang 8-hour shift sa ospital ay dumiretso siya sa tindahan upang bumili ng ipamimigay sa street dwellers

- Hindi ininda ng nurse ang pagod sa trabaho at inisa-isa niya ang mga taong natutulog lang sa kalye

- Nagkulang pa umano ang kanyang pinamili kaya naman gumawa ito ng paraan upang mabigyan ang iba pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nurse sa Pilipinas ang agad na nag-viral sa social media dahil sa kanyang ginawa para sa mga taong natutulog lang sa kalye.

Napag-alaman ng KAMI na bukod sa pagiging frontliner laban sa COVID-19 ay naisipan din ng nasabing nurse na mamigay ng pagkain sa mga street dwellers na apektado ng community quarantine.

Nurse na frontliner, namigay pa ng pagkain sa street dwellers after ng kanyang shift

Larawan kuha ni Hafiz Marohombsar
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ng kanyang ka-trabaho, kinumbinsi umano siya ng nurse na maglakad na lang pagkatapos ng kanilang shift dahil may naisip umano siyang magandang pwedeng gawin.

Mula sa 3 p.m. to 11 p.m. nilang shift ay dumiretso umano sila sa isang convenient store upang mamili ng mga pagkain at iba pang items na kakailanganin ng mga taong natutulog sa lansangan.

Isa-isa nila itong ipinamigay sa mga street dwellers. Hindi na nila ginising pa ang mga natutulog at iniwan na lamang nila sa tabi ng kanilang hinihigaan ang mga binili nilang gamit.

Nagkulang pa umano ang kanilang ipinamigay kaya naman naisipan ng viral nurse na bumili pa sa tindahan at tulungan ang iba pang hindi nabibigyan ng pagkain.

“While we were buying food, sabi niya na sana di sila tinaboy ng mga officers since quarantined ang people. So, ayun na nga. Inisa-isa namin bigyan ang mga homeless people na nadadaanan namin until sa makarating kami sa kanto ng place niya,” saad ng ka-trabaho ng nurse.

“According to her, sa pangatlong beses niyang naglakad pauwi, she noticed na maraming natutulog sa kalsada especially matatanda,” dagdag pa niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. We are always on point in asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! – Don’t forget to subscribe to HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel