GMA freelance talent na nagka-COVID-19, pumanaw na

GMA freelance talent na nagka-COVID-19, pumanaw na

- Pumanaw na ang freelance talent ng GMA Network na nagkaroon ng COVID-19

- Ito ay kinumpirma ng beteranong direktor na si direk Crisaldo Pablo, direktor ng GMA program na “Pinoy M.D”

- Ayon kay direk Crisaldo, ang pangalan ng nasabing talent ay si Joseph

- Ibinahagi rin ni direk na mabait, magpakumbaba, at matulungin ang namayapang trainee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumpirmado na ni direk Crisaldo Pablo na pumanaw na ang freelance talent ng GMA Network na nagkaroon ng COVID-19.

Ayon kay direk Crisaldo, ang pangalan ng nasabing talent ay si Joseph. Ibinahagi rin ni direk na mabait, magpakumbaba, at matulungin ang namayapang trainee.

Si direk Crisaldo, ang nag-kumpirma ng malungkot na balita, ay direktor ng GMA program na “Pinoy M.D.”

“A YAEHA/SISW former trainee, Joseph, is now gone due to COVID19. R.I.P. He was kind, humble, lagi tumutulong sa amin noon,” sinabi ni Crisaldo sa Facebook.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kimumpirma ng GMA Network ilang linggo na ang nakaraan na positibo sa COVID-19 ang nasabing freelance production talent nila.

Ayon sa statement ng nasabing network, dinala pa sa ospital ang pasyente para tumanggap ng treatment.

Inilahad din na sa Annex Building ng network noong Pebrero 28 ang huling napuntahang lugar ng GMA ng pasyente.

Dahil dito, kaagad ipinaalam ng GMA sa mga kakilala at nakahalubilo nito ang positive COVID-19 result nito.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ni Joseph.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI had a hilarious time with some Kapuso Stars who took on our Tricky Questions Challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel