Driver, binaril nang mapagkamalang naghahatid ng COVID-19 patients

Driver, binaril nang mapagkamalang naghahatid ng COVID-19 patients

- Kinondena ng isang ospital sa Candelaria, Quezon ang pananakit sa kanilang ambulance driver ng isang lalaki

- Ayon sa statement ng ospital, binaril ng suspek ang kanilang driver sa pag-aakalang naghahatid ito ng mga pasyenteng mayroong COVID-19

- Tinamaan ang biktima, na itinuturing na frontliner, sa kamay at posible pang hindi na makapagmaneho pa

- Kamakailan lang ay naglabas din ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa dumaraming bilang ng kaso ng diskriminasyon at pananakit sa mga frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinondena ng Peter Paul Medical Center of Candelaria Inc. (PPMCCI) ang pananakit ng isang lalaki sa kanilang ambulance driver.

Sa isang statement na inilabas ng PPMCCI, binaril ng suspek ang kanilang driver sa pag-aakalang naghahatid ito ng mga pasyenteng mayroong COVID-19, bandang 8:45 p.m. habang naghahapunan ang biktima.

Kinompronta umano ng suspek ang biktima at sinabing hindi dapat papasukin sa subdibisyon ang ambulansiya dahil nagsasakay daw ito ng mga COVID-19 patients.

Ito ay sa kabila ng paliwanag ng biktima na mga frontliners ang kanyang isinasakay sa ambulansiya at sinisigurong nililinis ito ng mabuti para hindi kapitan ng virus.

Nanawagan ng hustisya ang ospital para sa biktima na napag-alaman pang breadwinner ng kanilang pamilya.

Tinamaan ang biktima, sa kamay at posible pang hindi na makapagmaneho pa dahil dito.

"Our ambulance driver is the breadwinner of his family, who in these trying times where we are at war with COVID-19, chose to bravely perform his duty beyond what is required for the sake of the community and his fellow front liners," ayon sa pahayag.

"At the moment, we respectfully demand that justice be served and given. He is your frontliner as well," dagdag pa nito.

Naiparating na rin daw ang insidente sa Candelaria Police Station.

Kamakailan lang ay naglabas din ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa dumaraming bilang ng kaso ng diskriminasyon at pananakit sa mga frontliners.

Sa isa pang report ng KAMI, isang hospital staff sa Tacurong, Sultan Kudarat na pinaghinalaang mayroong coronvirus ang binuhusan ng bleach at tinamaan sa mata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel