DJ Loonyo at Miss Everything, nagsisilbing "pampakalma" ng mga netizens

DJ Loonyo at Miss Everything, nagsisilbing "pampakalma" ng mga netizens

- Instant internet stars ngayon sina DJ Loonyo at "Miss Everything"

- Dahil sa kanilang mga viral videos, tila naaliw ang mga netizens sa kabila ng banta ng COVID-19

- Nakilala si DJ Loonyo dahil sa video niyang nakikiusap sa kapwa niya Pilipino na manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay at kung hindi, maaring maging susunod na Wuhan ang Pilipinas

- Si Miss Everything naman ay nakilala dahil sa mga nakakaaliw niyang video na kahit na hindi tumutugma ang kanyang pag-iingles ay minahal pa rin siya ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang naka-enhanced community quarantine ang karamihang mga Pilipino dahil sa COVID-19, tila nagsilbing pampakalma na nila ngayon ang mga videos nina DJ Loonyo at ni "Miss Everything".

Naging instant internet stars ang dalawa dahil sa mga viral videos nila na nagpapakilig at nagpapasaya sa mga Pilipino habang sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan lamang.

Mas nakilala si Rhemuel Lunio o "DJ Loonyo" nang magbigay paalala siya at pakiusap sa mga Pilipino na manatili na lamang sa bahay at kung hindi, maaring maging susunod na "Wuhan" ang Pilipinas.

Kasalukuyan kasi siyang nasa China ngayon kung saan siya nagtatrabaho kaya naman siya mismo ay nakaranas kung paano ginawa ang lockdown sa bansang sinasabing pinagmulan ng coronavirus disease 2019.

At dahil sa kanyang angking ka-gwapuhan at husay sa pagsayaw, di naiwasang mahumaling sa kanya ng mga Pinay na naging mga instant fans at followers niya sa iba't-ibang social media platforms.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sabi pa nga ng ilan, kung ang mga kalalakihan ay may "Ivana Alawi", mayroon namang "DJ Loonyo" ang mga kababaihan.

Kakaibang saya naman ang dala ni Ericka Maribojoc Camata o mas kilala bilang si Miss Everything.

Dahil sa kanyang mga nakakatuwang opinyon at opening spiel na "Hello Evertyhing", good vibes ang hatid nito sa mga Pilipinong nakatutok sa social media.

Inaabangan na tuloy ang kanyang mga nakakatuwang paandar na patok na patok sa mga Pinoy.

Sa panahon ngayon na humaharap sa matinding krisis ang bansa dulot ng paglaganap ng COVID-19, mainam na pansamantalang naiibsan ang pangamba ng mga Pilipino dahil sa mga videos nina DJ Loonyo at Miss Everything.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About COVID-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel