Video ng kakaibang kasalan sa kabila ng banta ng COVID-19, may mahigit 5 million views na

Video ng kakaibang kasalan sa kabila ng banta ng COVID-19, may mahigit 5 million views na

- Marami ang naintriga sa kakaibang kasalang inakala pa ng iba ay hindi pinaghandaan

- Akala rin ng marami na sa una'y napilitan lamang ang bride

- Iyon pala, pumanaw na ang kanyang groom at nais pa rin niya itong pakasalan

- Ang ikinabahala ng mga nakapanood, ginanap ito sa kabila ng banta ng COVID-19

- Mahigit 5 million na ang views ng nakakadurog ng pusong video na ito

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Viral ang video ng isang kakaibang kasalan na sa una'y marami ang nagtaka kung bakit ganoon lamang ka-simple ang seremonya.

Binahagi ng Facebook page na Fumiya and Yamyam ang nakakadurog ng pusong video na ito kung saan inakala pa ng marami na tila napilitan lamang ang bride.

Kumpleto sa entourage ang kasalan ngunit kapansin-pansin na tila simple ang mga kasuotan ng mga abay.

Nang pumasok pa ang bride, inakala pa ng marami na wala sa loob nito ang magpakasal dahil sa kakaibang pag-iyak nito.

Ngunit imbis na salubungin ito ng kanyang groom, nasa kabaong na pala ang kanyang pakakasalan.

Hindi na rin naiwasang maging emosyonal ng mga bisita na naroon upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa kahit na ang groom ay sumakabilang buhay na.

Maraming netizens ang naantig sa viral video na ito at sinabing isa raw itong halimbawa ng tunay na pagmamahalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sobrang galing. Pinakita nyu tlaga Ang tunay na pagmamahal. Salute po gobless nakakaiyak panodin. Condolence narin po"
"I find it sweet and romantic but we should remember that marriage is sacred. May God bless us all"
"Nakakalungkot na hindi happy ending ang love story nila pero at least pinatunayan nung girl na mahal niya yung guy"
"Naiyak ako, ang sad na hindi na makasabi ng "yes" yung lalaki. Condolence"

Samantala, hindi naman maalis na mag-aalala ang ilan nating mga kababayan dahil tila naganap ang naturang burol at kasalan sa panahon ng paglaganap ng COVID-19.

Mapapansing karamihan pa ng tao na naroon ay pawang mga nakasuot pa ng mask bilang proteksyon.

Hangad na lamang nila na wala sanang sinuman na naroon ang positibo sa kinatatakutang virus sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About COVID-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel