65 anyos na lola, tubig na lang ang ginagamit pangtawid gutom ngayong may quarantine

65 anyos na lola, tubig na lang ang ginagamit pangtawid gutom ngayong may quarantine

- Ilang mga residente ng Calamba, Laguna ang umaalma na ngayon dahil sa gutom na dulot ng enhanced community quarantine

- Hindi na raw nasundan ang relief goods na ipinamigay sa kanila at ngayon ay ubos na ito

- Ang isang senior citizen ay idinadaan na lang sa pag-inom ng tubig ang gutom niya

- Samantala, ang isang tricycle driver naman ay umaalma na rin dahil walang makain ang asawa niyang buntis

- Humingi ng paumanhin ang awtoridad sa mga residente at nangakong ginagawa nila ang lahat upang tumulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ngayon, ang buong Luzon ay nakasailalim sa enhanced community quarantine dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na ang ilang mga residente sa Calamba, Laguna ay nauubusan na ng pagkain ngayon dahil hindi na nasundan ang relief goods na ibinigay sa kanila.

Sa ulat ng 24 Oras, ang 65 anyos na lola na si Luzviminda ay idinadaan na lang sa tubig ang kanyang gutom, lalo na ngayong may quarantine at kasama niya pa sa bahay ang mga anak at apo niya.

“Tubig na lang po para mabusog kami. Para naman medyo tumagal-tagal ang aming buhay sa quarantine ngayon,” sabi ni lola.

“Nasunod kami sa gobyerno tapos ito nga, walang pagkain. Bigas lang, okay na. Kahit ilugaw lang namin, konting asin, okay na ‘yon. May laman ang bituka naming,” dagdag niya pa.

Samantala, ang isang tricycle driver naman na si Gilbert Atienza ay nawalan pa ng lisensiya nang siya ay pumasada kahit bawal. Paliwanag niya, wala na raw makain ang asawa niyang 3 buwang buntis.

“Kasya po ba ang tatlong kilo sa isang buwan? Paano naman po ‘yung susunod pang mga araw?” sabi niya.

“Hindi naman po kami mamamatay sa COVID e. Mamamatay kami sa gutom,” sabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Humingi naman ng paumanhin at pag-unawa ang mga opisyal ng Calamba. Paliwanag nila, ginagawa nila ang lahat upang matulungan ang mga residente.

Kasalukuyang nasa 9 naman ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Calamba. Samantala, 4 naman sa mga ito ang gumaling na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to the new episode of our ‘Pinoy Confessions’ feature! Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel