Presidente Duterte, ibibigay ang isang buwang sahod bilang karagdagang pondo laban COVID-19

Presidente Duterte, ibibigay ang isang buwang sahod bilang karagdagang pondo laban COVID-19

- Ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang buwang sahod niya sa pamahalaan bilang karagdagang pondo laban sa COVID-19

- Maging ang ilang miyembro ng gabinete ay handang ibigay ang 75% ng kanilang sahod mula Abril hanggang Disyenbre ngayong taon bilang pagtugon sa mga pangangailangan pa ng bansa sa patuloy na paglaganap ng COVID-19

- Maging ang ilang sektor ng pamahalaan ay handa ring magbigay donasyon upang palakasin pa ang puwersa ng bansa laban sa pakikipaglaban natin sa kinatatakutang virus sa buong mundo

- Una nang nag-anunsyo si Mayor Isko Moreno at ang mga opisyales ng Maynila na ibibigay ang isang buwang nilang sweldo para sa Philippine General hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang isang buwang sahod niya sa gobyerno sa patuloy na pakikipaglaban ng bansa kontra COVID-19.

Sa post ng Presidential Communications (Government of the Philippines), ibinahagi ang naging pahayag ng palasyo ukol sa mga naging pledges ng bawat sektor para sa gobyerno.

Nalaman ng KAMI na karamihan din sa mga miyembro ng gabinete ay handang ibigay ang 75% ng kanilang sahod mula Abril hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.

Ang ilan naman ay sumang-ayon na bawasan ang kani-kanilang sahod habang nasa state of public health emergency ang bansa.

Nabanggit din sa naturang pahayag na maging ang Assistant Secretaries of the Offices of the Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson ay magbabahagi rin ng 10% ng kanilang kita diretso sa Office of Civil Defense at sa iba pang opisina na nangangailangan pa ng tulong para rin sa frontliners ng ating bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang ibang sektor pa ng pamahalaan ay may kanya-kanyang pamamaraan upang tumugon sa matinding pangangailangan ng Pilipinas sa laban natin kontra COVID-19.

Maging si Mayor Isko Moreno ng Maynila at mga opisyales ng naturang lungsod ay magbibigay din ng isang buwan nilang sahod para naman sa Philippine General Hospital.

Ayon sa naunang ulat ng KAMI, nakalikom ang mga namumuno sa Lungsod ng Maynila ng nasa 4.7 million pesos para sa naturang donasyon.

Dagdag pa ni Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo, anumang oras ay magbibigay na ng pahayag si Pangulong Duterte kung magkakaroon pa ng extension ang kasalukuyang Luzon lockdown lalo pa at patuloy pa rin ang paglobo ng karadagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa kabila ng kanilang hirap at sakripisyo sa labang ito kontra COVID-19, sila pa ang nakararanas ng diskriminasyon at pangungutya.

OFW Nurses Share Their Experience Fighting Covid-19 | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel