Walang iwanan! Mag-asawang pasyente, sabay gumaling sa COVID-19 at lumabas ng ospital

Walang iwanan! Mag-asawang pasyente, sabay gumaling sa COVID-19 at lumabas ng ospital

- Naging viral ngayon sa social media ang mag-asawa na sabay gumaling sa coronavirus disease (COVID-19)

- Nagkataon lang umano na sabay gumaling ang dalawang pasyente at sila ay sabay din na pinalabas ng ospital

- Habang papalabas ng elevator ay agad pinatugtugan ng frontliners ang mga ito at pinalakpakan

- Ang mag-asawa at mga health workers ay masaya dahil nalampasan nila ang pagsubok na ito

- Maging ang mga netizens ay naantig din sa sabay na paggaling ng mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang mag-asawang sabay na gumaling sa coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na noong una ay hindi nila kaagad nalaman na mag-asawa ang dalawang pasyente.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Cessna Valdez-Coronado, naghanda sila ng pagpupugay para sa dalawang survivors ng COVID-19.

“We are sending off 2 of our Recovered Covid-19 patients happened to be as husband and wife today!!!!” sabi nito sa kanyang Facebook post.

“Very overwhelming... totoong #WeHealAsONE. We're soooooooooo HAPPY!!!! #CoupleGoals,” dagdag pa nito.

Makikita sa Facebook video na noong lumabas sa elevator ang mag-asawa ay agad nagpatugtog ang staff ng ospital ng Fight Song.

Habang iniharap na sa mga tao ang dalawang pasyente ay sumigaw ang frontliners ng “We heal as one!” at sabay-sabay nagpalakpakan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naantig din ang mga netizens sa mag-asawa na sabay nalagpasan ang pagsubok na COVID-19. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Hala ang galing kaiyak”
“This is so heartwarming”
“Nakakaiyak namn.. God is good all the time..”
“Very touching send off for our recovered patients! Congrats VRP team! Praise and thank God!”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to the new episode of our ‘Pinoy Confessions’ feature! Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel