Lolo, naging emosyonal nang makatanggap ng tulong mula sa ‘Good Samaritans’

Lolo, naging emosyonal nang makatanggap ng tulong mula sa ‘Good Samaritans’

- Ilang “Good Samaritans” ang namimigay ng tulong sa mga nangangailangan ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa

- Isang lolo ang pumukaw sa damdamin ng mga netizens dahil sa ngiti nito nang makatanggap ng tulong

- Nais ng mga Good Samaritans na makapagbigay ng tulong sa 300 hanggang 500 na pamilya ngayong may krisis sa bansa

- Samantala, ang mga netizens naman ay natuwa rin sa kabaitan ng mga Good Samaritans sa mga nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang senior citizen ang pumukaw sa puso ng mga netizens ngayon sa social media.

Nalaman ng KAMI na ang isang lolo na nakatanggap ng tulong mula sa mga Good Samaritans ay labis ang naging saya.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jem Arboled-Nacino, namigay sila ng mga relief goods sa mga nangangailangan ngayong may krisis sa Pilipinas.

Subalit, tila isang ngiti ng lolo ang kumuha sa atensyon ng mga netizens at tila pinukaw nito ang mga puso nila.

“His smile says it all. God bless you kuya!!” sabi ng netizen sa kanyang post.

Para sa birthday umano ng kanyang kakilala, sila ay naglikom ng pera upang makapagbigay ng tulong sa 100 pamilya.

Ang kanilang susunod na plano ay makapaglikom pa ng mas maraming pondo upang makatulong sa 300 hanggang 500 na mga pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naantig naman ang puso ng mga netizens sa kabutihan ng mga “Good Samaritans” na ito. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Awe. ang sarap sa mata tignan yun ngiti ni Tatay. God bless sa ating mga good Samaritans”
“Hindi matutumbasan ang ngiti ni tatay ng kahit na anung bagay...stay safe po tatay”
“Tagos hanggang puso ang larawang ito sa akin. Godbless.”
“Kindness. Makakalimutan nila pangalan at itsura mo pero yung naramdaman nila forever na nasa puso nila yun. God Bless.”
“kahit picture lang parang naluluha ako na makita na masaya syang nakatanggap ng tulong ....parang gumagaan ang pakiramdam natin kapag tayoy nakatulong at taos pusong pinasasalamatang mga taong natulungan natin.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to the new episode of our ‘Pinoy Confessions’ feature! Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel