Pulis, 'di napigil maging emosyonal habang nakikiusap sa mga residente

Pulis, 'di napigil maging emosyonal habang nakikiusap sa mga residente

- Viral ngayon sa social media ang video ng isang pulis na naging emosyonal sa pakikipag-usap sa ilang residente

- Sa naturang video, nakiusap ito sa mga residente na sumunod na lamang sa ipinapatupad na enhanced community quarantine

- Naglabas din ito ng hinaing lalo pa at may ilan pa nga raw ang sinasaktan at binabastos ang mga awtoridad sa kabila ng kanilang pagod

- Paliwanag pa nito, ang lahat ng kanilang sakripisyo ay para rin sa kaligtasan ng marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Naging emosyonal ang isang pulis habang nakikipag-usap sa ilang residente na ayon dito ay mga hindi sumusunod sa ipinapatupad na "enhanced community quarantine".

Sa viral video na ni-reupload ng isang netizen, nakiusap ito sa mga residente na sumunod na lamang sa ipinapatupad na ECQ para sa kaligtasan ng marami.

Hindi naman nito naiwasang maglabas ng hinaing lalo pa at mayroong ilan na diumano'y bumabastos at nananakit pa ng mga pulis.

Dagdag pa nito, bagamat napapagod ay kinakailangan pa rin nilang tuparin ang sinumpaang tungkulin para sa bayan.

Nais na rin daw nilang makasama ang kanilang pamilya ngunit hindi magawa dahil sa responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Hindi na rin daw sila sigurado para sa kanilang buhay lalo pa exposed din ang mga ito sa virus dahil sa pagpapatupad ng ECQ.

Kaya naman, nakiusap na ito sa mga residente na manatili na lamang sa bahay at huwag gamitin ang quarantine pass sa mga hindi importanteng bagay.

Humingi naman ng paumanhin ang mga residenteng nakausap nito.

Kabilang ang mga pulis at sundalo sa mga itinuturing nating frontliners ngayong panahon ng krisis.

Sila ang naatasang magpatupad ng kaayusan at kapayapaan sa ating bayan.

Ilan na rin sa kanila ang tinamaan ng nakamamatay na coronavirus at mayroon pa ngang iginupo na ng sakit.

Narito naman ang ilan sa naging komento ng mga netizens sa naturang video:

"Tina try nila makipag usap ng Maayos. Sana sundin sila ng mga tao."
"We are the citezens of the Phil let us learn and listen to them because this is for our own sake."
"Very well said and instructed, we salute all those military people who are risking their lives just to protect the people."
"Saludo ako sayo sir galing mo magpaliwanag sana naintindihan nila ang mga sinasabi u sir."
"Salute to you sir, paki usap po sa inyo hwag na po sana matigas mga ulo natin. Kawawa naman sila."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng , naantig naman ang puso ng marami sa larawang ibinahagi ng isang netizen kung saan makikita ang ilang pulis at sundalo ang namamahinga na lang sa kalye.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel