Ilang netizens, nagbahagi ng kani-kanilang mga 'kwentong quarantine'

Ilang netizens, nagbahagi ng kani-kanilang mga 'kwentong quarantine'

- Tatlong netizens ang nagbahagi ng kani-kanilang karanasan sa pagpapatupad ng gobyerno ng enhanced community quarantine sa Luzon bilang hakbang upang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa

- Iba't-iba ang kanilang mga naging karanasan nang magsimula ang quarantine na ito noong Marso 16

- Maayos pa rin naman nilang nagagampanan ang kanilang mga trabaho kahit sila ay nasa bahay lamang

- Nagpapasalamat din sila sa mga frontliners na buwis buhay na nagbibigay serbisyo kahit labis na delikado ang kanilang ginagawang pagtulong sa kapwa nila Pilipinong tinamaan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilahad ng tatlong netizens na sina Paul, Jacklyn at Aira ang kani-kanilang mga kwentong quarantine sa KAMI.

Aminado silang malaking pagbabago ang nangyari sa kani-kanilang pangaraw-araw na gawain mula ng ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon bilang hakbang upang mapigilan ang paglaganap pa ng COVID-19.

Si Paul ay nagtatrabaho sa Makati ngunit umuuwi siya sa Laguna. Hindi niya makakalimutan nang i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 16 ang pagpaptupad ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Di raw naiwasang magpanic ng mga kasama niya sa opisina sa takot na baka wala na umano silang masakyan pauwi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jacklyn naman na mula sa Makati ay naka-medical leave. Laking pasalamat niya na na-discharge siya sa ospital bago pa man italaga ang enhanced community quarantine.

Namangha naman si Aira sa pagtutulungan ng kanyang komunidad lalo na sa panahon ngayon kung saan naging limitado ang lahat dahil sa COVID-19.

Nakagagawa raw ng paraan ang mga kasama nila sa subdivision kung paano matutugunan ang pangangailangan ng bawat isa.

Masasabing mapapalad at masuswerte pa rin daw ang tatlo at nasa maayos silang kalagayan sa ngayon. Bagaman at mahirap, nagagawa pa rin nilang magtrabaho sa kanilang tahanan ng walang pangambang dulot ng nakamamatay na virus.

Nagpasalamat din sila sa mga frontliners na buwis-buhay na nagseserbisyo sa kapwa natin Pilipino na tinamaan ng COVID-19.

Narito ang kabuuan ng video na binahagi ng Human Meter:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel