CNN reporter na may COVID-19, tuloy sa pag-ere ng kanyang segment kahit naka-quarantine

CNN reporter na may COVID-19, tuloy sa pag-ere ng kanyang segment kahit naka-quarantine

- Maging ang CNN reporter na si Chris Cuomo ay tinamaan ng COVID-19

- Ngunit dahil siya ay asymptomatic, patuloy pa rin siyang nag-uulat at nagsasa-ere ng kanyang segment

- Isinasagawa niya ito sa basement ng kanilang bahay kung saan siya kasalukuyang naka-quarantine

- Marami naman ang umaasang gagaling din si Cuomo sa lalong madaling panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang walang makakapigil kay Chris Cuomo, isang kilalang reporter ng CNN, na kahit tinamaan na siya ng COVID-19 ay patuloy pa rin siya sa pagbabalita.

Sa kanyang Twitter account, kinumpirma ni Cuomo na positibo siya sa naturang virus.

"In these difficult times that seem to get more difficult and complicated by the day, I just found out that I am positive for coronavirus," ang kanyang tweet.

Aminado siyang maaring nakasalamuha siya ng mga taong positibo sa COVID-19 kung saan siya nahawa.

Kasalukuyan na siyang naka-quarantine sa kanilang basement kung saan din siya nagsasa-ere ng kanyang segment na Cuomo Prime Time.

Asymptomatic naman ang reporter kaya naman di siya gaanong pinahihirapan ng naturang virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panalangin na lang ni Cuomo na hindi niya nawa sana nahawahan ang misis at mga anak.

"We will all beat this by being smart and tough and united!" pagtatapos ni Cuomo sa kanyang tweet.

Tulad ng kanyang kapatid na si Governor Andrew Cuomo ng New York, marami ang umaasang makakayanan ito ni Chris at gagaling ito sa lalong madaling panahon.

Si Cuomo ang pangatlong empleyado ng CNN sa New York na tinamaan ng virus.

Maaalalang maging ang CNN Philipines ay pansamantalang nag-off air dahil sa isang empleyadong nag-positibo sa naturang virus.

Isinagawa rin ng mga reporters nila tulad nina Pinky Webb, Pia Hontiveros ang kanilang pagbabalita sa kani-kanilang mga bahay noong Marso 18.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About COVID-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel