Mga agaw-buhay na COVID-19 patients, dinadasalan na lang ng mga health workers

Mga agaw-buhay na COVID-19 patients, dinadasalan na lang ng mga health workers

- Dahil bawal ang magpapasok ng pari sa kritikal na kondisyon ngayon ng mga ospital, mga doktor at nurses na rin ang nagsasagawa ng pagdarasal para sa naghihingalo o pumanaw nang COVID-19 patients

- Binahagi ng isang doktor sa ospital sa Ortigas, ang hirap ng kanilang pinagdaraanan bilang mga frontliners sa laban ng bansa sa COVID-19

- Bagaman at sanay naman na raw sila sa mga namamatay na pasyente, mas mabigat sa kanilang kalooban na halos araw-araw itong nangyayari sa ngayon

- Dumagdag pa sa hirap ng kanilang kalooban ang makitang namamatay mag-isa ang COVID-19 patients nang wala ang mga mahal nila sa buhay sa kanilang tabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang doktor sa The Medical City sa Ortigas ang kanilang araw-araw na kinahaharap sa ospital mula nang lumaganap ang coronavirus diseasae 2019 sa bansa.

Sa pamamagitan ng video, ipinakita ni Dr. Sally Mae Abelanes sa GMA News ang hirap ng isang 'frontliner'.

Kwento niya, hinihikayat na sila ng kanilang mga pamilya na iwan pansamantala ang trabaho dahil sa pangambang pati sila'y mahawa sa kanilang mga pasyente.

Ngunit matapang pa rin nilang pinanindigan ng kanyang mga kasama ang paglilingkod sa sinumpaang propesyon.

Ayon pa sa doktor, hindi sila basta sumusuko dahil kung ang isa ay bumitaw, malaki ang posibilidad na sunod-sunod na ito.

Samantala, ang pinakamahirap din daw sa kalooban nilang mga health workers ay ang makitang mag-isang namamaalam sa mundo ang mga COVID-19 patients.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sila na rin ang nagdarasal para sa yumaong pasyente dahil pinagbabawalan na ang mga paring magbibigay sana ng huling basbas sapagkat maari pa silang mahawa.

Tulad na lamang ng ulat ng CNN kung saan dumarami na ang kaso ng mga paring namamatay sa COVID-19 sa Italy dahil pinababasbasan pa umano sa kanila ang mga labi ng yumaong pasyente.

Kung hindi video call, 'walkie-talkie' raw ang ginagamit nila upang makinig naman ng kapamilya ng pasyente ang kanilang dasal at upang mabulungan man lang nila ang pasyente ng kanilang huling mensahe para rito.

Sa huling datos na binahagi ng Department of Health, umabot na sa 2,311 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mariing ipinaaalala pa rin ng DOH ang social distancing at ang pinakamainam sa lahat at huwag na lamang lumabas ng mga bahay ung hindi naman kina-kailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About COVID-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel