Mga residente ng isang condo sa Pasay, nagbigay pugay sa mga frontliners sa katapat na ospital

Mga residente ng isang condo sa Pasay, nagbigay pugay sa mga frontliners sa katapat na ospital

- Nakakataba ng puso ang ginawa ng mga residente ng isang condominium sa Pasay sa mga frontliners ng katapat na ospital, ang Adventist Medical Center Center

- Sabay-sabay na nagpalakpakan at nag-cheer ang mga residente upang magbigay pugay sa kabayanihan ng mga health workers sa naturang ospital

- Ang ilan, naglabas pa ng mga banners na may nakasulat na "Salamat"

- Labis na natuwa ang mga frontliners na lumabas din sa balkonahe ng ospital at kumaway sa mga residente

- Di napigilan ng ilan na maluha at labis na kailangan nila ang ganitong mga pampalakas ng loob sa laban natin sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakaluha ang eksenang nakunan sa La Verti Residences sa Pasay City kung saan ang kanilang mga residente ay nagpalakpakan at nagpasalamat sa mga frontliners ng katapat na ospital, ang Adventist Medical Center.

Binalot ng masigabong palakpakan at masasayang hiyawan ang paligid ng lugar nang lumabas na ang mga health workers ng nasabing ospital.

Ang ilan, gumawa pa ng banner na may nakasulat na "Salamat"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ginawa raw ito ng mga residente ng naturang condo upang magbigay pugay sa kabayanihang ginagawa ng mga frontliners laban sa COVID-19.

Di mapigilang maging emosyonal ng mga doctor, nurse at hospital staff ng ospital sa sobrang saya. Kailangang-kailangan talaga nila sa panahon ngayon ang ganitong pampalakas ng loob dahil hindi biro ang kanilang ginagawang serbisyo masiguro lamang ang paggaling ng mga COVID-19 patients.

Bilang pagtugon, pumalakpak ng tatlong beses ang mga hospital staff at naluluhang kumaway sa mga residenteng nagmamalasakit sa kanilang ginagawa.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

“Nandoon talaga yung takot. Syempre, naka-risk yung life namin. Then, nandoon din yung pag-aalala namin sa mga magulang namin. Yung mga mahal namin sa buhay sa Pilipinas.”

OFW Nurses Share Their Experience Fighting COVID-19 | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel