Batang nurse mula sa Cabanatuan City, pumanaw na rin dahil sa COVID-19

Batang nurse mula sa Cabanatuan City, pumanaw na rin dahil sa COVID-19

- Isa pang magiting na frontliner ang pumanaw na rin matapos itong dapuan ng coronavirus disease

- Kinilala ng Pambansang Samahan ng mga Nars ng Pilipinas ang serbisyo ni Arvin Pascual, nurse sa isang ospital sa Nueva Ecija

- Bumuhos ang pakikiramay at pag-alala para sa nasawing nurse mula sa mga netizens

- Isa lamang si Pascual sa dumaraming bilang ng frontliners sa bansa na nasawi dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang magiting na nurse mula sa Cabanatuan City ang pumanaw na rin matapos magkaroon ng coronavirus disease.

Kinilala ng Pambansang Samahan ng mga Nars ng Pilipinas ang serbisyo ni Arvin Pascual, nurse sa isang ospital sa Nueva Ecija.

"Philippine Nurses Association (PNA) gives our salute and respect to you Nurse Arvin Pascual, a warrior against CoVID-19.
"May his soul and all the faithful departed through the Mercy of God, REST in PEACE, and let Perpetual Light shine upon him. Amen...
"An Angel in the sick room has fallen... Lord please heal our Land," ayon sa Facebook post ng PNA.

Base naman sa social media post ng ACT-CIS Cabanatuan, si Pascual ang kauna-unahang nasawi roon.

Nagsilbi ito at inalay ang serbisyo para sa mga biktima ng nakamamatay na virus bago ito nahawaan at iginupo ng sakit.

Bumuhos ang pakikiramay at pag-alala para sa nasawing nurse mula sa mga netizens.

"Rest in peace,dear brother NIGHTINGALE. Thank you for your great sacrifices & unwavering commitment to your duties as a NURSE.WE ARE PROUD OF YOU!"
"Another fallen hero ......u will always have a place in heaven."
"You are a hero,rest in peace now because God will welcome you in His Kingdom where there will be no pain & sufferings, I salute you."
"Thank you for your service Nurse Arvin Pascual. Thank you for being a blessing to humanity. Rest in peace soldier."
"Rest now in peace nurse Alvin. Thank you for your dedication and love for your fellowmen. God is embracing you now...We salute you."

Isa lamang si Pascual sa dumaraming bilang ng frontliners sa bansa na nasawi dahil sa COVID-19.

Sa isa pang report ng KAMI, isang oncologist na pumanaw din dahil sa coronavirus ang nais pa sanang gumaling para tumulong at magbigay ng serbisyo nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel