Lalaki, binayaran ang pinamili ng nurse na nakasabay lang sa grocery

Lalaki, binayaran ang pinamili ng nurse na nakasabay lang sa grocery

- Pinasalamatan ng isang nurse ang isang lalaking nagbigay ng tulong sa kanya nang malamang isa siyang frontliner

- Ayon sa viral post ng nurse, nakasabay niya ang estranghero sa isang grocery store

- Tumanggi pa raw magpakilala ang lalaki ngunit napilit niya itong makuhanan ng litrato upang mapasalamatan sa kabutihang-loob nito

- Marami ang natuwa sa isang napakagandang ehemplo na ito sa kabila ng umiiral na krisis at diskriminasyon sa ating mga frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa pamamagitan ng social media, pinasalamatan ng isang nurse ang isang lalaki na nagbigay ng tulong sa kanya.

Ayon sa viral post ng nurse na si Erv Lyn, dumaan muna siya sa Robinson’s Fuente bago pumasok sa trabaho upang bumili ng makakain.

Nang nasa pila na siya para sa mga frontliners, bigla raw siyang tinanong ng estranghero na nasa unahan ng pila, kung siya ay isang frontliner na agad naman niyang sinagot.

Pagkatapos nito ay inalok daw siya ng lalaki na ito na ang magbabayad ng kanyang pinamili.

Sa kabila ng kanyang pagtanggi ay nagpumilit ang lalaki at ito na mismo ang nagbayad sa kahera.

Tinanong daw ni Erv Lyn ang pangalan nito ngunit tumanggi na itong magpakilala at sahalip ay sinabing: "No name lang ma’am."

Sa naturang Facebook post, kasama ang larawan ni Erv Lyn at ng lalaki na napilit daw nitong makuhanan ng larawan upang kahit paano ay mapasalamatan.

Marami ang natuwa sa isang napakagandang ehemplo na ito sa kabila ng umiiral na krisis at diskriminasyon sa ating mga frontliners.

"What a gesture of gratitude to healthworkers!!! #SanaAll... Kudos to that person whoever you are ... such act motivates every tired nurse to go beyond and be brave during this COVID19 time."
"This is so heartwarming."
"Awwww my heart just melted. May God bless Mr. Gentleman and you as well Erv Lyn!"
"So touch with this kind hearted man."
"Wow! God bless ni kuya!"
"You deserved it dai. And to all frontliners."

Sa kabila ng krisis mayroon pa ring nangingibabaw na kabutihan sa marami sa atin, katulad ng isang dalaga na binayaran ang lahat ng pinamili ng isang matandang lalaki na nakasabay lang din nito sa grocery, na una nang naiulat ng .

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, patuloy naman na nadagdagan ang bilang ng mga frontliners na nasasawi dahil sa COVID-19, kabilang na ang oncologist na si Dr. Rose Pulido, na desidido pa ring makatulong sa iba hanggang sa mga huling araw nito, na una nang naiulat ng .

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel