Doktor na pumanaw dahil sa COVID-19, nais pa sanang tumulong sa iba

Doktor na pumanaw dahil sa COVID-19, nais pa sanang tumulong sa iba

- Bago pumanaw ang oncologist na si Dr Rosalinda “Rose” Pulido, nais pa sana nitong ipagpatuloy ang pagseserbisyo para sa publiko

- Ngunit dahil sa paglala ng lagay nito dahil sa coronavirus, pumanaw ito noong Marso 21

- Inalala ito ng pamilya at mga nakakakilala bilang mapagbigay at mas madalas na inuuna ang iba kaysa sa sarili

-Si Dr. Pulido ay isa lamang sa mga frontliners sa Pilipinas na iginupo ng nakamamatay na virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

“In two days probably, I would be cleared. Antayin niyo ako, ako bahala diyan," ito raw ang huling mensahe ni Dr Rosalinda “Rose” Pulido, isang oncologist, bago ito tuluyang iginupo ng coronavirus.

Bago ito dinapuan ng sakit, inilaan na ng 46-anyos na doktor ang kanyang mga huling araw sa pagtulong sa paglaban sa hindi nakikitang kaaway.

Marso 21 nang tuluyan nang namaalam si Dr. Pulido, base sa report ng Rappler.

Inalala ito ng pamilya at mga nakakakilala bilang mapagbigay at mas madalas na inuuna ang iba kaysa sa sarili.

"Our sister is not just a COVID-19 patient number. She is a true hero – a selfless, compassionate, and dedicated doctor," ayon sa pamilya nito.

“You were a very compassionate, dedicated, patient, and caring doctor who devoted time to each patient, even charity patients. You had a sweet smile for everyone,” dagdag pa ng mga ito.

“She was very active in doing events for our cancer patients. She was a strict but very kind person. Her advice and suggestions for the hospital really helped align some protocols of the hospital,” sabi naman ng dati nitong executive secretary.

"When my family became financially down, I was sheltered by Rose…She was my family and my inspiration at the lowest point in my life," ayon naman sa isang kaibigan nito.

Nais daw ni Dr. Pulido ang maging isang marine biologist ngunit para sa pamilya ay nag-aral ito ng medisina.

Sa kabila nito, minahal daw ng doktor ang kanyang trabaho kwento ng kapatid nito. Patunay nito ang kanyang dedikasyon sa propesyon para masugpo ang virus na kumitil din sa kanyang buhay.

Si Dr. Pulido ay isa lamang sa mga frontliners sa Pilipinas na iginupo ng nakamamatay na virus.

Mula sa KAMI, saludo kami sa iyong dedikasyon at pagmamahal sa bayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa pinakahuling update, nakapagtala na ng 928,057 na bilang ng tinamaan ng coronavirus sa kabuuan. Sa Pilipinas, 2,311 positive cases at 96 na rito ang nasawi habang 50 naman ang naka-recover na.

Samantala, sa isa pang report ng , isang South Korean drama naman ang nag-viral dahil tila nahulaan daw nito ang coronavirus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel