7-anyos na batang babae, nakumpirmang may COVID-19 ilang araw matapos pumanaw

7-anyos na batang babae, nakumpirmang may COVID-19 ilang araw matapos pumanaw

- Pumanaw ang isang pitong taong gulang na batang babae sa La Union Medical Center

- Nilagnat umano ang bata, nakaramdam ng hilo at labis na pagdumi

- Nang dalhin ito sa ospital, di nagtagal ay pumanaw din ito

- Makalipas ang limang araw, lumabas ang resultang nagpositibo nga ang bata sa COVID-19

- Pinaniniwalaang nahawa ito sa tiyo na nakipaglamay di umano sa sinasabing namatay din dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Positibo ang lumabas na resulta sa isinagawang test sa isang 7 taong gulang na batang babae mula Barangay Inmalog Sur sa Pangasinan.

Ang nakapanlulumo pa rito, pumanaw na ang batang ito noong Marso 26 ngunit lumabas ang resulta ng test nitong Martes, Marso 31.

Mismong si Mayor Constante Agbayani ng San Fabian sa Pangasinan ang nagkumpirma ng balitang ito.

Napag-alamang nagreklamo umano ng pagkahilo ang bata, lagnat at labis na pagdudumi.

Una itong dinala sa health center at pinauwi rin.

Ngunit dahil walang nagbago sa kayang kalagayan, dinala na ito sa La Union Medical Center kung saan pumanaw din sa mismong araw na iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinaniniwalaang nakuha umano ng bata ang virus sa tiyo na mula sa Maynila at Nueva Vizcaya.

Sinasabing nakipaglamay umano ang naturang tiyo nito sa namatay din dahil sa COVID-19.

Agad na inilibing ang kaawa-awang bata at nagsagawa rin ng disinfection sa kanilang lugar.

Masusing contact tracing pa rin ang isinasagawa ng awtoridad upang masiguro kung sino pa ang mga nakasalamuha ng bata.

Sa ulat naman ng Philippine Star, pito na ang sumakabilang buhay sa Pangasinan dahil sa COVID-19.

Base sa huling ulat ng Department of Health nitong Abril 1, umabot na sa 2,311 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About Covid-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel