Pasyenteng naka-recover sa COVID-19, kinantahan ng mga health workers habang palabas ng ospital

Pasyenteng naka-recover sa COVID-19, kinantahan ng mga health workers habang palabas ng ospital

- Masiglang lumabas ng ospital ang isang pasyente ng Sta. Ana Hospital sa Maynila na naka-recover sa COVID-19

- Kinantahan pa siya ng mga health workers sa ospital habang papalabas na ito dahil negatibo na ito sa naturang virus

- Kinuhaan pa niya ng video ang masayang tagpo na nagbigay pag-asa sa marami at patunay na kayang labanan ang COVID-19

- Mismong si Mayor Isko Moreno ang nagbahagi ng naturang video sa kanyang Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay pag-asa at inspirasyon ang video ng COVID-19 survivor na masiglang lumabas ng ospital.

Binahagi mismo ni Mayor Isko Moreno ang masayang tagpong ito na kuha sa Sta. Ana hospital sa Maynila.

Habang papalabas ng ospital, kinantahan ng mga health workers ng naturang ospital ang lalaking nag-negatibo na sa COVID-19.

"Good luck, good health, God bless you!" ang paulit-ulit na kinakanta ng mga masasayang health workers sa pasyenteng gumaling sa kinatatakutang virus.

Bakas naman ang kaligayahan sa pasyente na kinuhaan pa ng video ang napakagandang handog sa kanya ng mga taong nag-aruga sa kanya habang siya ay nakikipaglaban sa COVID-19.

Labis ding natuwa ang mga netizens para sa lalake at umaasa silang dadami pa ang mga susunod na makaka-recover sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God is the greatest healer.... Thank you Lord...Thank you doctors, nurses, & all medical staff who are assisting the Covid 19 patients"
"We are all happy to hear those people who were healed and recover from the deadly virus. To God be the glory.
"We thank all the Doctors, Nurses and all other frontliners for their hardwork and sacrifices to do their jobs. We salute you all and we always pray for your safety and protection from COVID 19. At salamat sa aming Yorme sa ptuloy na suporta, pag aalala at pag aasikaso sa mga mamamayan."
"Thank You Doctors and nurses of Sta. Ana hospital, you make us happy for helping your patient to get better and free from covid 19, we salute you'''and were very proud of you guys, God Bless To All Of You."
"Goose bumps as I watch. Thank and praise you Lord for giving him a second life."

Lima na ang naka-recover sa COVID-19 sa nasabign ospital at may 18 pang mga pasyenteng positibo sa virus na naka-admit doon.

Umakyat na sa 2,311 ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa bansa matapos na madagdagan ito ng 227 na bagong kaso ngayong araw, Abril 1.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About Covid-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel