Isang pamilya, ginaya ang K-drama na ‘Crash Landing On You’ at nag-viral online

Isang pamilya, ginaya ang K-drama na ‘Crash Landing On You’ at nag-viral online

- Gumawa ng photoshoot ang isang pamilya na inspired mula sa K-drama na “Crash Landing On You”

- Ginaya ng pamilya ang ilang mga eksena sa CLOY para sa 25th anniversary ng kanilang mga magulang

- Isa nga sa mga eksena na ginaya nila ay ang unang pagkikita ni Yoon Se-Ri at Captain Ri Jeong-Hyuk

- Samantala, ang mga netizens naman ay naaliw din sa konsepto ng pamilya ngayong may enhanced community quarantine sa buong Luzon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang pamilya ang ginaya sa social media ang sikat na K-drama na Crash Landing On You.

Nalaman ng KAMI na ginawa nila ito para sa 25th anniversary ng kanilang mga magulang.

Ayon sa Facebook post ni Edflyn Marlenelle R. Sulit, habang naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon ay naisipan nilang gayahin ang trending na K-drama.

"Crash Lockdown On You: A 25th Anniversary Special,” sabi nito sa kanyang Facebook post.

Makikita sa kanilang Facebook photo album na ang tatay ay gumanap bilang si Captain Ri Jeong-Hyuk ang nanay naman ay ginaya si Yoon Se-ri. Samantala, ang mga anak naman nila ay nagsuot ng pangsundalo na kasamahan ni Captain Ri.

Ilan sa mga eksenang ginaya nila ay ang unang pagkikita ni Captain Ri at Se-Ri sa North Korea at noong sinubukan na patakasin ni Captain Ri si Se-ri mula sa lugar nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maraming mga netizens naman ang natuwa sa kanilang kakaibang photoshoot para sa anniversary. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Ang cute neto”
“ang witty naman”
“hahahaah nilamon na ng CLOY pati sina mother”
“Cutiepieeee!! Happy Anniversary po”
“Cute nyo po. happy 25th anniversary sa parents nyo.”

Ang Crash Landing On You o CLOY ay isa sa mga sikat na K-drama ngayon. Ito ay tungkol sa pag-iibigan ng isang South Korean na businesswoman na si Yoon Se-Ri at North Korean na army officer na si Captain Ri Jeong-Hyuk.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to the new episode of our ‘Pinoy Confessions’ feature! Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel