Laban lang! Mga nurse sa ICU, nag-TikTok upang palakasin ang loob ng kapwa frontliners

Laban lang! Mga nurse sa ICU, nag-TikTok upang palakasin ang loob ng kapwa frontliners

- Tampok sa social media ang TikTok video ng mga nurse na sumasayaw sa intensive care unit (ICU)

- Sumabak sa TikTok challenge ang tatlong nurse upang palakasin na rin ang loob ng kanilang kapwa frontliners at health workers

- Ang video raw na ito ay inaalay din nila sa mga health workers na nagkaroon na rin ng COVID-19

- Samantala, ang mga netizens naman ay naantig din ang puso sa TikTok video na ginawa ng mga nurse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang grupo ng mga nurse na nasa intensive care unit (ICU) ng Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City ang ipinamalas ang kanilang dance moves sa isang TikTok video.

Nalaman ng KAMI na gumawa ng TikTok video ang mga ito upang damayan at palakasin ang loob ng kanilang mga kapwa health workers at frontliners.

Sa video na ibinahagi ng Philippine Star, makikita ang tatlong nurse na nakasuot pa ng kanilang kumpletong panangga sa coronavirus disease (COVID-19) habang sinasayaw ang kantang "Fight Song" ni Rachel Platten.

Sabi sa post, ang nag-upload daw ng video ay ang netizen na si Annielyn Reyes na apat na taon nang nagtatrabaho sa ospital.

“Para po sa mga na-expose na mga frontliners… to encourage them na ‘wag susuko kasi marami kami nag-mamahal and nag-papray na gumaling na sila,” sabi niya.

Para sa kasamahan namin na nurses and doctors, pagaling [kayo]. Andito lang kami,” dagdag niya pa.

Kwento ng nurse, itong video rin na ito ang kanilang entry sa “TikTok Challenge” ng Lipa City government kung saan sila nanalo ng 1st place.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang mga netizens din ay natuwa sa ginawa ng mga nurse para sa kapwa nila health workers. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“God bless you all, shield you from all danger and harm. Thank you for this video, nakakatouch po. Thank you for battling it all out for us.”
“Salute to all of you. Thank you so much!”
“Sending my warmest thank you! Keep figthing! You are our warriors. 'Pag kayo ang sumuko, talo lahat ng Pilipino.”
“Thank you for all your sacrifices. God bless you!”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to the new episode of our ‘Pinoy Confessions’ feature! Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel