Ilang residente ng QC, inaresto ng pulisya matapos magprotesta para humingi ng tulong

Ilang residente ng QC, inaresto ng pulisya matapos magprotesta para humingi ng tulong

- Ilang residente ng Quezon City ang nagprotesta dahil wala umano silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno

- Nanawagan ang mga ito kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na tulungan sana sila sa pera at pagkain

- Agad namang dumating ang pwersa ng Quezon City Police Department upang harangin ang mga ito

- 20 sa mga nagprotestang residente ang inaresto ng pulisya matapos magkainitan ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang mga residente ng Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa sa Quezon City ang lumabas sa kanilang mga bahay at nagprotesta dahil sa diumano’y kakulangan ng tulong sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na ang mga residente ay umalma at hinahanap si Quezon City Mayor Joy Belmonte upang humingi ng tulong.

Sa Facebook video na ibinahagi ng GMA News Online, ipinaliwanag ng isang residente na sila raw ay hihingi sana ng tulong matapos nilang malaman na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ay mamimigay ng P8,000 cash assistance sa bawat pamilya.

Kaya naman, inasikaso na raw nila ang mga dokumento para rito at pupunta na sila sa barangay.

“Hindi pa po kami nakarating ng barangay, hinarang po kami ng mga militar kasi raw, wala naman daw ganoon na ipinaabot na magbibigay,” paliwanag ng isang residente.

Sa video naman na ibinahagi ng DZRH News sa Twitter, nanawagan ang residente sa mayor ng Quezon City na tulungan sila.

“Nananawagan po kami dahil sa kagutuman, walang aksyon ang aming mayor, walang plano na maayos," sabi niya.

Samantala, agad namang dumating ang pwersa ng Quezon City Police Department (QCPD) upang harangin ang mga ito at arestuhin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sabi sa ulat ng CNN Philippines, nasa 20 na residente ng Quezon City ang inaresto sa may bahagi ng EDSA sa Barangay Bagong Pag-asa dahil sa kanilang pagpo-protesta kahit na walang permit mula sa gobyerno.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungson ng Quezon, nasa 952,000 na food packs na ang kanilang mga naipamigay mula noong ipinatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Samantala, kasalukuyan namang nasa 151 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City. Ang 27 dito ay mga pumanaw na at ang 11 naman ay gumaling na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to the new episode of our ‘Pinoy Confessions’ feature! Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel