90 y/o na lola, pumanaw sa COVID-19 nang tumanggi gamitin ang ventilator para ibigay sa iba

90 y/o na lola, pumanaw sa COVID-19 nang tumanggi gamitin ang ventilator para ibigay sa iba

- Isang lola na pumanaw sa Belgium dahil sa coronavirus disease (COVID-19) ang tumanggi gumamit ng ventilator

- Ayon sa mga doktor, sinabi raw ng 90 anyos na pasyente na ipagamit na lang sa batang pasyente ang ventilator

- Samantala, hindi naman malaman ng anak kung paano nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang nanay dahil sineryoso naman nito ang lockdown

- Malungkot din ang anak ng senior citizen dahil hindi man lang ito nakapagpaalam bago pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 90 anyos na lola sa Belgium ang pumanaw dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na napagdesisyunan ng lola na huwag nang gumamit ng ventilator kahit siya ay hirap nang makahinga.

Ayon sa ulat ng Fox News (isinulat ni Danielle Wallace), ang lola na si Suzanne Hoylaerts ay dinala sa ospital ng kanyang anak na si Judith nang ito ay mawalan ng gana kumain at nahirapan huminga.

Hindi nagtagal ay nalamang positibo sa COVID-19 si Suzanne at agad itong inilagay sa isolation. Bumaba umano ang kanyang oxygen concentration at kinailangan nito ng kritikal na paggamot.

Sabi sa ulat ng The Daily Mail UK (isinulat ni Sophie Tanno), sinabi umano ni Suzanne sa mga doktor na ayaw na niyang gumamit ng ventilator. Mas mabuti na lang umano ipagamit ito sa batang pasyente.

“I don't want to use artificial respiration. Save it for younger patients. I already had a good life,” sabi ni lola.

Kwento naman ng anak na si Judith ayon sa ulat ng Daily Star (isinulat ni Anthony Blair), noong ika-21 ng Marso pumanaw si Lola Suzanne. Dagdag niya pa, hindi niya alam kung paano nagkaroon ng sakit ito dahil sineryoso naman nito ang lockdown at hindi umalis ng bahay.

“My mother took the lockdown seriously,” sabi Judith.

“When I took her to the hospital on Friday, we thought she had mild pneumonia,” dagdag pa nito.

Ang pinakamasakit na parte raw nito ay hindi man lang siya nakapagpaalam sa nanay niya at hindi man lang daw nagkaroon ng burol para sa nanay niya.

“I can't say goodbye to her, and I don't even have a chance to attend her funeral,” sabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa The Daily Mail UK, ang pinakabatang may kaso ng COVID-19 at nasawi sa Belgium ay nasa 12 taong gulang. Samantala, nasa 705 naman na ang namatay dahil sa COVID-19 sa bansang ito.

Kasalukuyang nasa lagpas 855,000 naman ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Samantala, nasa 178,100 naman na ang gumaling dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to the new episode of our ‘Pinoy Confessions’ feature! Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel