Coronavirus, nabanggit sa 1 South Korean drama na inere noong 2018

Coronavirus, nabanggit sa 1 South Korean drama na inere noong 2018

- Marami ang nagulat sa balitang tila nahulaan ng isang South Korean drama ang tungkol sa pandemic disease na coronavirus

- Ngunit ang mas ikinagitla ng mga netizens ay ang katotohanang inere ang naturang K-drama noong pang 2018

- Isang eksperto naman ang nagbigay ng pahayag ukol dito

- Ang naturang K-drama na mula sa MBC ay mapapanood sa Netflix na pinagbibidahan ng South Korean actor na si So Ji-sub

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulat nang mag-viral ang tungkol sa isang South Korean drama na tila nahulaan daw ang tungkol sa coronavirus.

Ang K-drama na ito ay ang My Secret Terrius ay pinagbibidahan ng South Korean actor na si So Ji-sub, ay inere noong pang 2018.

Tungkol ito sa isang NIS secret agent na nasangkot sa problema ng kanyang kapitbahay na namatayan ng mister.

Umikot ang istorya nito tungkol sa paghahanap ng kasagutan at pagsugpo sa isang malaking sindikato.

Sa episode na 10 nabanggit ang tungkol sa coronavirus kung saan sinabing ginamit ang virus bilang isang bioweapon.

Ang video na kumakalat ngayon ay mula sa nasabing episode kung saan isang doktor at isang babaeng agent ng NIS ang nag-uusap at nabanggit nga ang coronavirus.

Doctor: “We must do more research, 'cause it looks like a mutant coronavirus.”

Agent: “Corona? Then MERS (Middle East Respiratory Syndrome)?”

Doctor: “MERS, SARS, the common flu… they all fall in the same family with the same gene information. Coronavirus attacks the respiratory system. But during the 2015 MERS epidemic, the mortality rate was less than 20 percent.”

Agent: “But, that's not serious enough to be used as a weapon. Am I wrong?”

Doctor: “As I said, this is a mutant virus. Someone tweaked it to increase the mortality rate to almost 90 percent. What's more serious is, that the coronavirus has an incubation of two to fourteen days. The virus was manipulated to attack the lungs directly within five minutes of being exposed.”

Mabilis na kumalat sa social media ang tungkol dito at maraming netizens ang agad na nag-react.

Sa isang report ng GMA News, taliwas sa istorya ng My Secret Terrius, nilinaw ng virologist na si Robert Garry PhD ng Tulane University School of Medicine sa isang panayam na ang virus ay hindi maaaring maging "scientifically manipulated" at sa halip ay "product of nature."

“One thing I can tell you is that this is not a bioweapon. Nobody made this virus in a laboratory and this is a product of nature.

“What we believe is that the virus, probably a long time ago, originated from a bat species because there are coronaviruses of bats that are very similar to this new coronavirus. But, there are other parts of the virus that look more like other animal coronaviruses," ani Garry.

Samantala, sa nasabing episode rin, makikitang tinuruan pa ng chief ng Health Department ng South Korea ang mga bata sa isang eskwelahan kung paano tamang paghuhugas ng mga kamay.

Ang "My Secret Terrius" na mula sa MBC ay nag-shoot sa South Korea at Poland na mapapanood sa Netflix ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nakapagtala na ng 928,057 na bilang ng tinamaan ng coronavirus sa kabuuan. Sa Pilipinas, 2,311 positive cases at 96 na rito ang nasawi habang 50 naman ang naka-recover na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel