Lalaking positibo sa COVID-19 na pinauwi ng ospital, hinarang ng mga kabarangay

Lalaking positibo sa COVID-19 na pinauwi ng ospital, hinarang ng mga kabarangay

- Hindi pumayag ang mga kabarangay ng isang lalaking positibo sa COVID-19 na ito'y makauwi upang mag-self quarantine na lamang dahil siya ay asymptomatic naman

- Tinangkang harangin ng mga tao sa kanilang kalsada sa Tondo, Maynila ang ambulansya kung saan lulan ang lalaki at ang kasama nitong isa na ring patient under investigation

- Masama ang loob ng kanyang mga magulang dahil sa pagtratong natanggap ng kanyang anak kaya naman naluha na lang ang ama nito

- Dahil sa sitwasyon, nagdesisyon ang mga magulang ng pasyente na ihanap na lamang ito ng ospital na tatanggap sa kanya para lamang masiguro na makakapagpahinga na rin ang anak habang nagpapagaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinauwi ang isang 35-anyos na COVID-19 positive patient mula Tondo, Maynila dahil ito naman daw ay asymptomatic o walang nakikitang anumang sintomas ng nakakahawang virus.

Ayon sa ulat ng 24 oras, pinag-self quarantine na lamang daw ang lalaki dahil sa aakalain naman daw na wala itong COVID-19.

Ngunit nang ihahatid na ng ambulansya ang pasyente sa inuupahang bahay, hinarang ito ng mga tao sa kanilang barangay.

Hindi raw pumapayag ang mga tao roon na bumalik pa ang lalaki sa apartment compound nito at baka makahawa pa ito ng mas maraming tao.

Isang ama mula sa tinutuluyang apartment compound ng lalaki ang nagmatigas at ayaw itong pabalikin doon sa takot na magkaroon ng virus ang kanyang maliliit na mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinakailangan pang dumating ng isang konsehal ng Tondo para humupa ang tensyon ngunit ang nagawa lamang nito ay tanggalin ang barikada sa kalsada kung saan nakatira ang pasyente.

Masama ang loob ng kanyang mga magulang na parehong senior citizen na kaya naman hindi rin nila mai-uwi ang lalaki.

Naluha pa ang ama nito dahil sa pananaboy na natamo ng kanyang anak.

Dahil sa tindi ng sitwasyon, nagdesisyon ang mga magulang ng pasyente na ihanap ito ng ospital kung saan maari siyang makapagpahinga at magpagaling.

Samantala, panawagan naman ng residente ng naturang lugar na magkaroon sana ng lugar kung saan maaring madala ang tulad ng nasabing pasyente at kasama nitong patient under investigation na rin.

Tulad ng Quezon City, mayroon na silang pasilidad na maaring paglagakan ng mga pasyenteng inabisuhan na mag-self quarantine na lamang.

Binahagi nila ito sa kanilang Facebook page na Quezon City Government.

Gayundin ang Pasig City na nagtalaga na ng lugar kung saan maaring dalhin ang mga patient under investigation lalo na kung hindi maari itong mag-home quarantine sa pangambang mahawa ng mga ito ang kanilang mga kasama sa bahay.

Sa huling datos na inilabas ng Department of Health nitong Martes, Marso 31, umabot na sa 2,084 ang pinakahuling bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bumulusok kasi sa 538 ang nadagdag sa mga nag-positibo sa kinatatakutang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kapag kapag ang taong mahal mo ay iba ang relihiyon? Magpapa-convert ka ba sa relihiyon niya? Tulungan natin ang ating letter sender ngayon.

"ISA SIYANG ADIK AT IRESPONSABLENG ASAWA" | Pinoy Confessions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel