Lolo na di na nakakain sa loob ng dalawang araw, nabiyayaan ng tulong dahil sa viral post

Lolo na di na nakakain sa loob ng dalawang araw, nabiyayaan ng tulong dahil sa viral post

- Matapos na mag-viral ang post tungkol sa isang matandang nangangatog ang tuhod sa gutom, nabigyan ito ng tulong

- Agad na binigyang pansin ito ni Basel Manadil o mas kilala sa tawag sa kanyang "The Hungry Syrian Wanderer" at hinagilap ang lolo

- Ipinamili niya ito ng grocery at inabutan pa niya ito ng tulong pinansyal sakaling maubusan ito ng mga naka-stock na pagkain habang naka-lockdown ang Luzon

- Ayon kay Basil, ginawa niya ito di lamang para matulungan ang lolo kundi para naging gabay sa iba na mayroon talaga tayong mga kababayan na nangangailangan ng ating tulong lalo na sa panahon ng krisis dala ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging agaw-pansin sa social media ang post ng netizen na si Maemae Surio na siyang unang tumulong sa matandang mangangalakal na si Antonio Pabita.

Kwento ni Maemae, nanghingi umano sa kanya ng pambili ng makakain ang matanda at hindi pa raw ito kumakain sa loob ng dalawang araw.

Ibibili rin daw niya ng pagkain ang Grade 2 na apo niyang di pa rin kumakain.

Nadurog ang puso ni Maemae at binigyan niya ito ng biskwit at gatas upang mainitan daw ang kumakalam na sikmura ng matanda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napag-alaman din niyang pangangalakal ang ikinabubuhay nito. Kaya naman ngayong naka-lockdown ang Luzon ay pinagbabawalan silang mag-ikot upang mangalakal.

Ito ang dahilan kung bakit gutom ang inabot ng matanda gayundin ng kanyang binubuhay na apo.

Dahil sa nag-viral ang post at ilang netizens ang nag-tag sa matulungin na vlogger na si Basel Manadil o mas kilala sa tawag na "The Hungry Syrian Wanderer", nagawan niya ng paraan na matulungan ito.

Namili siya ng mga grocery para kay Tatay Antonio at kinontak niya si Maemae upang personal na maiabot ang tulong sa matanda.

Sinadya mismo ni Basel si Tatay Antonio sa Las Piñas, Annex Camatsili at naiabot niya ang mga pagkaing handog upang di na ito magutom sa panahong naka-quarantine pa rin ang Luzon.

Nagbigay din siya ng tulong pinansyal sakaling kulangin pa ito sa pagkain sa mga susunod na araw.

Ayon kay Basel, binahagi niya ito hindi para ipagmalaki kundi para ipamulat sa atin na mayroong mga kababayan tayong nagugutom na at nangangailangan ng tulong natin lalo na sa panahon ng krisis dala ng COVID-19.

Maging inspirasyon daw ito sa iba na maghandog ng tulong sa abot ng ating makakaya dahil isa ito sa mga kailangan natin upang tuluyan nang mapigilan ang pagkalat pa ng virus na kumitil na ng maraming buhay sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kapag kapag ang taong mahal mo ay iba ang relihiyon? Magpapa-convert ka ba sa relihiyon niya? Tulungan natin ang ating letter sender ngayon.

"ISA SIYANG ADIK AT IRESPONSABLENG ASAWA" | Pinoy Confessions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel