83-anyos na naka-recover sa COVID-19 sa bansa, nagbigay inspirasyon sa marami

83-anyos na naka-recover sa COVID-19 sa bansa, nagbigay inspirasyon sa marami

- Naka-recover sa COVID-19 ang isang 83-anyos na lola mula sa Santa Rosa, Laguna

- Nagbigay pag-asa ito sa marami lalo na at sinasabing ang mga senior citizens ang mabilis na tamaan ng virus

- Walang pagsidlan ng saya ang lola nang ipaalam sa kanyang nag-negatibo na siya sa virus

- Nagpasalamat ito sa mga front liners na nag-aruga sa kanya gayundin sa local government unit ng kanilang lugar na umalalay sa kanya maging sa kanyang pagpapa-ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang 83-anyos na lola mula sa Santa Rosa, Laguna sa mga kumpiramadong naka-recover sa coronavirus disease 2019 sa bansa ngayong Martes, Marso 31.

Sa panayam ni John Consulta ng 24 oras kay Patient 3 ng Santa Rosa, ikinuwento nito ang kanyang karanasan sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Taliwas kasi ang nangyari kay Patient 3 sa sinasabing mas madaling magkaroon ng virus na ito ang mga senior citizen dahilan din sa di nila inaasahang pagpanaw.

Nalaman ng KAMI na nahirapan din talaga siya lalo na at nanghihina siya at hindi makakain.

Aminado ang lola na inakala niyang nalalapit na ang katapusan niya ngunit hindi niya sinukuan ang kanyang laban sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman nang ipaalam sa kanya ng mga doktor na siya ay negatibo na sa virus, walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan.

Wag po nila (senior citizens) isipin na mawawalan na sila ng pag-asa dahil po ang Diyos ay hindi natutulog, ako po ay nagdiwang sa loob ng aking kuwarto. Hindi ko alam kung ako ba ay sasayaw o hindi," pahayag ng Sta. Rosa Patient 3.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga frontliners ng bansa lalo na sa mga doktor at nurses na nag-alaga sa kanya at di siya sinukuan upang siya ay mapagaling.

Wag po kayong magsawang tumulong. Kayo po ang aming gabay. Kayo po ang mag-aalaga sa amin,” pasasalamat ng lola.

Samantala, umabot na sa 2,084 ang kumpiramadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Base sa huling datos na inilabas ng Department of Health ngayong Marso 31, umabot sa 538 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa pinakahuling tala ng worldometer, USA na ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Umabot na rin sa mahigit 3,000 ang bilang ng mga pumapanaw sa kanilang bansa dahil sa nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kapag ang taong mahal mo ay iba ang relihiyon? Magpapa-convert ka ba sa relihiyon niya? Tulungan natin ang ating letter sender ngayon.

"ISA SIYANG ADIK AT IRESPONSABLENG ASAWA" | Pinoy Confessions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel