Bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, di nalalayo sa bilang ng sa USA

Bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, di nalalayo sa bilang ng sa USA

- Nakaaalarmang umabot sa 538 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

- Hindi na nalalayo ito sa bilang ng karagdagang kaso sa USA ngayong araw kung saan umabot ito ng 591

- Lumobo rin ang bilang ng mga pumanaw sa USA kung saan umabot na sa 3,175 ang kabuuang bilang ng mga nasawi

- Sa Pilipinas, sampu ang karagdagang bilang sa mga pumanaw at may kabuuang bilang na ito na 88

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa 538 ang karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Martes, Marso 31.

Nalaman ng KAMI na hindi ito nalalayo sa karagdagang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 sa USA na 591.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nilarawan daw ng Estados Unidos ang araw na ito bilang the "deadliest day yet in the country" dahil sa umabot na sa 3,175 ang mga pumanaw dahil sa nakamamatay na virus.

Base sa panayam nina Stephanie Kelly and Daniel Trotta ng Reuters kay Krystal Horchuck, isang nurse sa Virtua Memorial Hospital sa New Jersey, tila tanggap na umano nila na maaring magkaroon na rin sila ng COVID-19 dahil sa di mapigilang pagdami ng kaso nito sa kanilang bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, USA na ang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo may bilang na 164,435.

Pumangalawa ang Italy na may 101,739 at sinundan naman ito ng Spain na may 94,417 na confirmed cases ng coronavirus disease 2019.

Samantala, nakapanlulumo naman ang bilang ng mga pumanaw sa Italy na umabot na sa 11,591.

Sa huling datos na binahagi ng Department of Health, 2,084 na ang kabuuang bilang ng mga positibo sa COVID-19 ngayong araw, Marso 31.

Kumpara kahapon na walang naitalang naka-recover, may pitong naitalang gumaling sa COVID-19 ngayong Martes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kapag ang taong mahal mo ay iba ang relihiyon? Magpapa-convert ka ba sa relihiyon niya? Tulungan natin ang ating letter sender ngayon.

"ISA SIYANG ADIK AT IRESPONSABLENG ASAWA" | Pinoy Confessions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel