Vice Mayor sa Rizal na tinamaan ng COVID-19, pumanaw na

Vice Mayor sa Rizal na tinamaan ng COVID-19, pumanaw na

- Pumanaw ngayong Marso 31 ang bise alkalde ng Jalajala, Rizal na nag-positibo sa COVID-19

- Isa si Jolet Delos Santos sa mga opisyal ng gobyerno na tinamaan ng naturang virus

- Maging ang gobernador ng Rizal na si Rebecca “Nini” Ynares ay positibo rin sa COVID-19

- Kasalukuyan nang may 2,084 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakabilang buhay na ang vice mayor ng Jalajala, Rizal na si Jolet Delos Santos ngayong Martes, Marso 31.

Base sa ulat ng Inquirer, isa si Jolet sa mga opisyal ng gobyerno na nagpositibo sa COVID-19.

Ang pagpanaw ng bise alkalde ay kinumpirma ng ni Rizal information officer Tony Mateo ngunit hindi niya naibigay ang detalye ng buong dahilan ng pagkamatay.

Nagpasalamat naman ang anak ng bise alkalde na si Jom Delos Santos sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya sa pagkawala ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marso 25 nang kumpirmahin ni Jom ang resultang nag-positibo sa COVID-19 ang kanyang ama.

Binanggit niya sa naturang post na stable na ang condition ng kanyang ama noon kaya naman laking gulat ng publiko sa pagpanaw nito.

Samantala, tulad ni Delos Santos, tinamaan din ng COVID-19 ang gobernador ng Rizal na si Rebecca “Nini” Ynares.

Ngayon ding araw na ito ipinahayag sa publiko na maging si dating senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay lumabas na positibo rin sa coronavirus disease 2019 ayon sa CNN Philippines.

Sa huling datos ng Department of Health, nakaalarmang 538 ang nadagdag ngayong araw lamang sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon na ngayon itong kabuuang bilang na 2,084.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kapag ang taong mahal mo ay iba ang relihiyon? Magpapa-convert ka ba sa relihiyon niya? Tulungan natin ang ating letter sender ngayon.

"ISA SIYANG ADIK AT IRESPONSABLENG ASAWA" | Pinoy Confessions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel