Lalaking tinuruang magmaneho ang alagang aso, arestado

Lalaking tinuruang magmaneho ang alagang aso, arestado

- Isang lalaki sa United States na tinuruan diumano ang kanyang aso na magmaneho ang sinampahan ng patung-patong na kaso

- Tumakbo ng mahigit 160 kph ang sasakyan ng suspek na taga-Lakewood, Washington at dalawang beses pang nakabangga ng kotse kaya agad na rumesponde ang mga state troopers

- Nang mahuli ang sasakyan, nakita ng awtoridad na isang pit bull ang nasa driver’s seat habang nakaupo sa tabi nito ang kanyang amo na siyang nagkokontrol sa gas pedal

- Sinampahan naman ang lalaki ng mga kasong reckless endangerment, hit and run, pagtangkang pagtakas, at pamamaneho nang nasa impluwensya ng ipinagbabawal ng gamot

- Nasa animal shelter na rin ang pit bull na inilarawang "very sweet girl" ng isang trooper

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng isang lalaki sa United States matapos maaktuhan ng mga awtoridad ang mabilis na pagtakbo ng kotse nito at matuklasan na isang pit bull ang pinagmamaneho ng suspek.

Ayon sa ulat ng CNN, dalawang beses nakabangga ng sasakyan ang suspek na taga-Lakewood, Washington kaya naganap ang high-speed chase ng mga state troopers sa sasakyan nitong tumatakbo ng mahigit 160 kph kamakailan.

"He was driving very erratically. So erratically that multiple people called 911," kwento ng trooper na si Heather Axtman sa CNN.

Nang isa sa mga rumespondeng trooper daw ang sumubok na i-corner ang sasakyan, nasilip niyang isang aso ang nakaupo sa driver’s seat.

At nang nahuli na nga nila ang sasakyan, nakumpirma nilang isa ngang pit bull ang nasa driver’s seat habang nakaupo sa tabi nito ang kanyang amo na siyang nagkokontrol sa gas pedal, ayon sa article ng Bombo Radyo.

Ayon kay Axtman na isa ring public information officer, sinabi diumano ng suspek na tinuturuan niyang mamaneho ang kanyang alagang pit bull.

"I've been a trooper for almost 12 years and wow, I've never heard this excuse. I've been in a lot of high speed chases, I've stopped a lot of cars, and never have I gotten an excuse that they were teaching their dog how to drive," sabi ni Axtman.

Samantala, wala namang naitalang major injury dahil sa pangyayari.

Sinampahan ng mga kasong reckless endangerment, hit and run, pagtangkang pagtakas, at pamamaneho nang nasa impluwensya ng ipinagbabawal ng gamot ang lalaki.

Dinala naman sa animal shelter ang pit bull na inilarawan ni Axtman na "very sweet girl".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel