LGBTQ: Filmmaker Sam Morales, viral dahil sa "catfishing" stories

LGBTQ: Filmmaker Sam Morales, viral dahil sa "catfishing" stories

- Viral ngayon sa social media ang isang multimedia artist/filmmaker matapos i-post ng isang miyembro ng LGBTQ ang panloloko diumano sa kanya nito

- Base sa post ng transwoman na si Jzan Vern Tero, nagsimula ang lahat sa isang dating app kung saan nakilala niya ang isang binata na nagngangalang Bill Iver Reyes

- Tumagal ng ilang buwan relasyon ni Jzan at ng lalaking si Bill hanggang sa umamin ang huli na ang lahat ay gawa-gawa lang ng inakala nitong pinsan at kaibigan nito na si Sam Morales

- Mabilis na nag-viral ang naturang post at maraming netizens ang kinondena ang sinabing "catfishing stories" ni Sam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang isang multimedia artist/filmmaker matapos i-post ng isang miyembro ng LGBTQ ang panloloko diumano sa kanya nito.

Ayon sa socmed post ng transwoman na si Jzan Vern Tero, nagsimula raw ang lahat nang makilala niya ang binatang nagngangalang Bill Iver Reyes sa isang dating app.

Mabilis na nagkahulugan ng loob ang dalawa at nagkaroon ng relasyon. Inamin naman ni Jzan na may mga pagdududa rin siyang naramdaman para sa lalaki.

Dito na rin niya nakilala ang multimedia artist na si Sam Morales na nagpakilalang pinsan at kaibigan ng lalaki.

At dahil limitado lamang ang impormasyong alam ni Jzan tungkol aky Bill ay kay Sam siya humihingi ng tulong sa tuwing may hindi sila pinagkakaunawaan ng lalaki.

Samantala, sa tulong ng mga kaibigan ay nalaman ni Jzan na ang totoong pangalan ng lalaki ay Bilko Wagan Argana, mula sa Laguna at ang mga sinabi nitong impormasyon ay gawa-gawa lamang.

Sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin ang relasyon ng dalawa hanggang sa magkaroon ng pagkakataon sina Jzan at Bill na magkita sa Maynila at kasama rin daw ng lalaki si Sam.

Sa puntong ito na umamin si Bill na gawa-gawa lamang ni Sam ang lahat at sinabing napasubo lamang ito dahil tinutulungan daw ito ng babae na magkaroon ng trabaho o "raket".

Sa naturang post ni Jzan, napag-alamang humingi pa ng sorry si Sam dito at sinabing nag-ugat umano ang lahat dahil sa nakaraan nito sa ilang miyembro ng LBGTQ.

Mabilis na nag-viral ang post ni Jzan at maraming netizens ang kinondena ang ginawa nina Sam at Bill dito, kabilang na ang ilang celebrities.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel