Buhay sa Wuhan, unti-unti nang bumabalik sa normal matapos ang 2 buwang lockdown

Buhay sa Wuhan, unti-unti nang bumabalik sa normal matapos ang 2 buwang lockdown

- Ilang mga litrato ang nagpakitang unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay sa Wuhan

- Matapos ang dalawang buwang lockdown ay nagbubukasan na muli ang mga shopping center dito at nakakabalik na sa trabaho ang iba

- Inaasahang sa April 8 ay tatanggalin na talaga ang lockdown sa buong Wuhan

- Nauna na ngang alisin ang travel ban sa probinsya ng Hubei sa China

- Kasalukuyang nasa lagpas 785,000 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang dalawang buwang lockdown sa Wuhan, China, dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) ay unti-unti na muling bumabalik ito sa normal.

Nalaman ng KAMI na ang ilang mga establisiemento sa lugar na ito ay unti-unti na ring nagbubukasan.

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, ang ilang mga empleyado ay nagsisimula na ring bumalik sa kanilang opisina.

Ang ilang mga tao nga rin sa Wuhan ay pinapayagan na ring lumabas sa kanilang mga tahanan.

Sa isang Facebook post naman ng ABS-CBN News, isang magkasintahan ang muling nagkasama matapos ang lockdown.

Kita sa litrato na kahit sila ay may suot pa na face mask ay nagyakapan na sila sa East Lake sa Wuhan.

Samantala, inaasahan namang tatanggalin na ang lockdown sa lugar mula sa darating na ika-8 ng Abril.

Sabi sa ulat ng Al Jazeera (isinulat ni Shawn Yuan), kahit na unti-unting bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Wuhan, nangangamba pa rin ang iba na baka muling dumami ang kaso ng COVID-19 dito dahil tatanggalin na rin ang travel ban mula sa iba’t-ibang mga bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, noong ika-25 ng Marso ay nagsimula nang tanggalin ang lockdown sa probinsya ng Hubei sa China.

Ang coronavirus disease o COVID-19 ay naunang naitala sa Wuhan, China. Kasalukuyang nasa 785,700 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel